V : THEY'RE BACK

60 6 0
  • Dedicated kay Princess Katrina Tapang
                                    

CHAPTER 5: They're Back

Blair's POV

Nandito na kami sa cabin ng bigla kaming matigilan. May nakaparada na kasing kulay itim na Ferrari Enzo sa tapat ng cabin nina Kuya Ryker. Parang ayaw ko nang pumasok sa loob. Alam kong sila Kuya na yan. Sana kung si Kuya lang yan, kaso hindi e. Dun na lang ako sa cabin namin ni Jordan. Masakit pa naman ulo ko. -___-

Kasunod na naman pala namin yung tatlong hinayupak na iniwan ko kanina. Haist! Ang gugulo nila, promise! >.<

Aatras na sana ako ng biglang lumabas ng pinto ang isang lalaki. Sino na naman ba to? Isa pang kasama nila Kuya?

Lumapit sya sa amin at halatang gulat din ang mama na to.

O___O - lalaki

*o* - itsura ni Jordan

-___- - ako at yung apat.

"Hoy manong, sino ka ba? Kasama ka ba nila Kuya? Ba't parang hindi kita kilala? Estudyante ka dito?" tanong ko. Grabe, sakit talaga ng ulo ko. >__<

Hindi nagsasalita yung lalaki. Titig na titig sya sa mukha ko na parang may dumi na nakadikit. Lumingon ako kina Sev.

"Hoy kayo, may dumi ba sa mukha ko?" tanong ko sa kanila.

Sabay na umiling yung dalawa. "Wala."

"Tss. Wala naman pala e. Baka naman pipi ka mama?" Nilagpasan ko na lang yung manong at pumasok sa loob. Sumunod naman sakin yung mga alipores ko pati sina Jordan at Cason. Haha! Alipores? Ansaveh? Hahahah Kahit papano, namiss ko din yung kuya ko na yon kaya kikitain ko sya dito. Tsaka sayang yung pasalubong. Hehe

Pagpasok namin....

"KUYAAAA!!!" Sigaw ko.

Shoot! Nakita ko agad yung kuya kong matangkad pa sa poste ng Meralco. Hehehe. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. At ayun, nangitim ang kuya ko isinugod sa ospital at binawian ng buhay. De joke. Eto, parang yung mama lang kanina sa labas. Titig na titig sakin habang nakayakap ako sa kanya.

Nixon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon