C H A P T E R 1 5
I FALL IN LOVE WITH SOULS, NOT FACES
"Sev, bakit naman pinatulan mo pa?"
"Pinagtatanggol mo ba sya, Shortcake?!" Hindi makapaniwala nya pang tanong.
"Hindi naman sa ganon, Sev. What I mean is, nadamay ka na nga sa gulo, nanuntok ka pa! Alam mo bang may nag video sa inyo? Yari na naman ako kay Kuya Ryker nyan."
"I can deal with it. Sanay na ko sa mga ganyan, even detentions."
"Bahala ka pag ako kinatay non mamaya, I want a purple colored coffin, alright?"
"Shortcake naman! Why are you saying those things?! Halika nga, libre kita sa café. Order all you want. Eat all you can."
"Sira ka talaga."
At iyun na nga. Nagpunta kami sa café at halos mabulunan at mabilaukan ako katatawa kay Sev kanina. Jusko kung nandito lang si Gunner baka namatay na ko kanina pa. Tandem tong dalawa na to e.
"Asan nga pala si Gunner?"
"May kalandian kaninang chix e."
"Really?"
"Oo. Bakit?"
"Wala lang. Nakakapanibago kasi. Dati parang bungang araw yon e. Kusang sumusulpot kung nasan ako."
"E bakit si Jack hindi mo hinahanap? Diba palagi mo ring kadikit yon?"
"Ewan ko sa tao na yon. Ang moody nya no? Nakakainis. Ewan ko ba una pa lang ayoko na sa ugali ng taong yon."
"Talaga?"
"Oo."
"Sinaktan ka na ba nya?"
"Huh? Hindi naman. Uhm... pag hinihila nya ko, minsan masyado syang mahigpit humawak. Tsaka pala nung- ay wala pala. Yun lang. Oo yun lang."
"I see. Pero why did he do that?"
"The what?"
"I saw what happened last night, Shortcake. Sabi pa nga nya manyak si Andjddkggheejfyhbd." Tinakpan ko na yung bibig nya at baka may iba pang makarinig sa kanya at kung ano pang isipin nila.
"Ano ba Sev. Hinaan mo nga yang boses mo. At isa pa, hindi manyak si Kuya Andrew, lasing lang sya noon kaya muntik nya na kong mahalikan. Nag-OA lang talaga yong si Jack."
"Ah. Kaya pala may pasa si Andrew sa mukha. Muntik nang maka-tuka."
"Sev, isa pa ako na susuntok sayo."
"Okay. Okay. Pero tama naman yung ginawa ni Jack. Lalong lalo na kung selos na selos ka na. Baka kung ako nga yung nandun baka hindi na sya sikatan ng araw."
"Ang yabang mo kamo."
"Okay lang magyabang kung may ipagyayabang. Pero kung wala, shut up ka na lang."
"Siraulo."
"Hay nako! Kaya mahal na mahal kita e! Pakiss nga!"
"Pakyu, Sev. Sasaksakin na kita ng tinidor."
"Kung ikaw naman ang sasaksak sakin, edi okay lang."
"Sumasakit ang ulo ko sayo. I'm done eating. Are you? Tara na balik na tayo sa room."

BINABASA MO ANG
Nixon University
RomanceStory of a girl who can't choose between six boys who she liked (loved) the most. **** Warning Text copyright © Kiths L. Napao ™ 2012, 2016, 2017, 2018, 2019, 2020, 2021- The moral right of the author has been asserted. All rights reserved. This st...