CHAPTER 7: Over My Head
~> Play nyo yung video sa gilid. Maganda yung song. Promise! Swear! Cross my heart! Hahahaha
Jack's POV
Here I am. Sa loob ng kwarto ni Blair dito sa hospital ng NU. Iniwan kami ni Cason at hinatak yung dalawa palabas ng pinto habang nagsisisigaw na labag daw sa kalooban nila ang pag-iwan kay Blair sa loob kasama ako. Tch! Mga baliw. Aanhin ko naman tong masungit na to? Kung inaakala nilang may gagawin akong kababalaghan dito kay sungit, wala no! Sus.
Simula nung makita ko sya sa labas ng cabin at binangga nya ko, hindi na sya naalis sa isip ko. Parang kahit saan ako lumingon, kahit saan ako pumunta, palaging sya ang nasa isip ko. I know its cliché. Pero ito talaga ang nararamdaman ko. Lahat ban g lalaki ganito ang nararamdaman pag may nakikitang kakaibang babae? I mean...Ugh! Nevermind!
But I admit. Hindi sya katulad ng ibang babae sa school namin noon sa Harlow University. Kakaiba tong masungit na to. Kung yung ibang babae, dadaan lang ako sa harap nila, kung maka-tingin kala mo hinuhubaran ako sa mga mata nila. E si Blair? Pag napapatingin ata sakin pakiramdam ko tinatadtad ako ng saksak at pinapatay ako sa tingin e. Loka lokang babae talaga to. Bwisit.
"Hello? Earth to Jaceton? Come in? Hello? Hello?" kita nyo, parang baliw.
"Hoy loka loka. Ano nababaliw ka na sa kagwapuhan ko? Gumaganyan ganyan ka dyan?" tanong ko sa kanya.
"Huh? Hindi ako loka loka! Ikaw nga parang baliw dyan. Sobrang dami ko nang nasabi sayo nakatitig ka lang sa mukha ko. Masyado na ba kong maganda sa paningin mo?" sabi ng baliw
"Wag ka ngang masyadong conceited." -_-
"Parang sya hindi."
"Tch. Whatever." Sabi ko nalang. Nakakasawa kaya makipagtalo dito kay sungit.
Tinignan nya lang ako. Masamang tingin para malinaw. Sinamaan ko rin sya ng tingin. Walang nag-aalis ng titig sa isa't isa sa aming dalawa. Tch. Abnormal na babae.
"Alam mo Jaceton, gwapo ka sana e. Kung di lang masama yang ugali mo." Sabi ni Blair. Sabay iwas ng tingin.
O______O -ako
-_______- -Blair
Did she...
Did she....
Did she call me gwapo? Weh. Totoo ba yung narinig ko? Kasi kinikilig ako!
Ahhh!!!! Nababakla na ba ko?? Yung totoo? Kaso tinawag din akong masama ugali e. Kaylangan ba kiligin ako? Aish! Tigasin ako! TIGASIN!!! Tch!
Baka naman isipin nyo ang babaw kong tao ha. Hindi. I mean, kasi sa Harlow lahat ng babae dun palaging sinasabing gwapo ako. Tss! Pero bakit pag si Blair ang nagsasabi na gwapo ako, iba ang impact sakin? Pero hindi talaga dapat ako kiligin sa sinabi nya na yun! Kalalaki kong tao, kikiligin ako? Asa! -______-
"Hoy, ikaw. Bakit ka namumula dyan? Okay ka lang?"
Aish! Nahiya naman akong bigla!! Sa harap pa talaga ni Blair ako nahiya huh?
"A-ahh...eh...kasi..." aish! Anung sasabihin ko?? Najejebs ako? E wala namang kinalaman yun sa pamumula ng mukha ko e! "Ah kasi...ano nga uli sabi mo?"
"Itigil mo nga yan. Para kang bakla dyan. Sabi ko, gwapo ka sana kaso masama ugali mo. Siguro kung mabait ka lang tsaka maganda ang pakikitungo mo sakin baka nga maging crush pa kita. Kaso hindi e. Enemy talaga kita. Tsk.tsk.tsk."
Dug dug
Dug dug
WHAT? WHAT. DID. SHE. JUST. SAY?? Anlakas ng kabog ng dibdib ko. Anong nangyayari sakin? May sakit ba ko sa puso? Bukas o kaya mamaya papatingin na ko sa doctor. Sa dami ng sinabi ni Blair, matagal bago nag-sink in sa utak ko yung mga pinagsasasabi ng babaeng to.

BINABASA MO ANG
Nixon University
RomanceStory of a girl who can't choose between six boys who she liked (loved) the most. **** Warning Text copyright © Kiths L. Napao ™ 2012, 2016, 2017, 2018, 2019, 2020, 2021- The moral right of the author has been asserted. All rights reserved. This st...