XIV.II : ALL EYES ON US

32 4 0
                                    

C H A P T E R 14.2


ALL EYES ON US




Wala namang masyadong nangyari sa cafeteria kanina kundi magbangayan yung apat (Gunner, Sev, Jack at Josh) at kung anu-anong iniaalok nila sa'kin. Alam nyo yung nangyari sa restaurant exept dun sa pagsusubuan ng pagkain? Ayon! Ganun na ganon ang nangyari kanina! Ang ending? Edi halos tumirik sa kaiirap sakin ang mga mata ng tatlong chaka dolls (Georgina and 2 jelalays). Inggit na inggit ba sila? Edi sila na dito sa pwesto ko! -_______-

Ang aga ko talagang badtrip ngayon at hindi nakikisama ang panahon. Mapapa- "It's so hot I can see Ryan Gosling outside" ka kaya pagkatapos na pagkatapos naming kumain ay sumibat kagad ako papunta sa office ni tanda. Malamang magpapalamig ako don. Marami kayang laman (ice cream) yung fridge ni Kuya Ryker. Wala namang ibang tao don kundi sila lang ni Kuya Andrew.

"O, ba't nandito ka?" Bungad ni tanda.

"Magpapalamig. Jusko! Napakainit sa Pinas!"

Dumapa ako sa malapad na couch sa sulok ng office ni Kuya Ryker. Iidlip muna ako bago magsimula ang klase.

"Kuya, gisingin mo ako pag bell na."

"May utusan ka , Blair Francheska?"

"Kuya, PAKI-gising naman ako kapag nag-bell na, PLEASE."

"Blair Francheska, tigil-tigilan mo ako hindi lang mainit ang panahon ngayon, mainit pa ulo ko."

"Huh? Sabi ko nga hindi ako matutulog. Pupunta na ko sa classroom. Bye Kuya."

Aalis na sana ako nang tawagin ako ni tandang sungit.

"Blair."

"Yes?"

"What happened yesterday? Bakit may pasa si Andrew and why did Jordan didn't go to school? I wan't you to tell me the truth. The whole truth."

"Huh?"

"Don't act like you don't know, Blair. Kilalang kilala kita."

"Kuya, ano... kasi..."

*tok tok*

"Blair! Nandito ka lang pala. Pinapatawag tayo ni Mrs. Falcon and I don't even know why." Saktong pumasok si Kuya Andrew.

"Andrew. Can't you see we're talking?"

"Sorry but Mrs. Falcon says its urgent."

Kuya Ryker sighed.

"Okay. Blair, please be a good girl." He said then smiled.

Grabe ah! Bad girl ba 'ko?? Pero, phew! Muntik na ko dun ha! Na-corner ako! Hahaha.

So we went to Mrs. Falcon's office. Akala ko naman kung anong sasabihin nya kundi ipapaalala na naman pala nya yung project na hindi ko naipasa. At para maipasa ko yon on time (dahil tinatamad na akong maggawa pag nakikita ko si Mrs. Falcon), ay tutulungan daw ako ni Kuya Andrew para dito. E si Kuya Andrew lang din naman gagawa non mamaya, jusmiyo. Hahahaha ^______^v

Pagdating ko sa classroom ay nakaupo na sa upuan ko si Georgina. Wala pa yung apat na hoodlum at mukang sila ang hinihintay ng babaeng to at ng mga alalay nyang si Sophia at si Emma.

"Excuse me. May I?" Hindi pa rin sya tumitinag sa inuupuan nya.

At ang gaga, parang walang narinig! Naglagay pa nga ng earphones!

Nixon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon