Few months have passed at lalong napalapit ang loob ko kay Jaceton.
Umalis na rin sila Kuya, Japs, at yung mga barkada nila papunta sa states para ipagpatuloy ang huling taon ng pag-aaral nila sa ikalawang baitang ng kolehiyo roon.
Gunner just got a girlfriend! Hooray! Hindi namin akalaing magkakaroon siya ng girlfriend dahil ang sabi nya nung nakakaraan ay may bago syang motto; Study first.
Nagulat na lang kami nang may biglang tumawag sa kanya na "bebe ko" at ipinakilala nya ang babae na nagngangalang Rica sa amin. Kahit para silang aso't pusa ay hindi mapagkakailang magnobyo at magnobya sila dahil sa huli ay parang arnibal sa tamis ang walang pakundangang paghaharutan nila sa harapan naming magbabarkada.
Mayroong gaganaping intramurals sa NU next week. Abala ang halos lahat ng teachers at estudyante, pati na rin si Kuya Ryker na hindi magkandaugaga sa office nya dahil nawawala raw yung ballpen na pang-sign nya ng mga papers na kailangan para sa memorandum na ibibigay nya at rules & conditions para sa mga kasali sa intrams.
"Kuya, nahihilo ako sayo eh. I-chek mo kaya sa bag mo kung nandun yung hinahanap mo?" Nandito kami ngayon ni Jordan sa office nya at tinutulungan syang maghanap ng ballpen nya.
Alam kong medyo nahihirapan sya dahil tuwi-tuwinang magkakaroon ng intramural ay si Kuya Andrew ang katulong nya. Ngayon ay wala dahil di rin kami makatulong ni Jordan sa kanya.
"Wala nga doon eh." Inis na sabi nya.
"Eh sa mga drawers mo?" Suhestyon ko naman.
"I've checked it. Wala dito."
"Tignan mo ulit. Kasi imposibleng mawala yan dahil ikaw lang ang tao dito." I said as I slumped at the couch na malapit sa aircon.
"Chineck ko na dito eh. Wala talaga." He said. Walang anu-ano pa ay biglang nag-ring ang cellphone nya.
Dali-dali nya itong kinuha at unti-unting inilabas ang ballpen na nanggaling sa bulsa nya.
Sabay kaming napailing ni Jordan saka bumuntong hininga.
Napangiti na lang ng nakakaloko si Kuya Ryker dahil pinagod nya kami sa paghahanap.
"Ah, hehe. Makakalayas na kayong dalawa." Sabi nya sa amin saka kami binigyan ng 500 peso bill na inabot nya kay Jordan. "Hati kayong dalawa dyan ha. Wala na akong pera." Sabi nya saka sinagot ang tawag.
Inirapan namin sya ni Jordan saka tinungo ang pinto.
"Hating kapatid ah!" Pahabol pa nya saka malakas na isinara ni Jordan ng pinto ng opisina.
Natatawa na lang akong naglakad at sinundan naman ako ni Jordan.
"Alam mo si Kuya, kung hindi ko lang yun kapatid, naku!" Sabi nya saka kinimis ang 500 na hawak nya. "Anong gusto mo? Bili tayong inumin, nauuhaw ako." Yaya nya.
"Sige." Sabi ko saka kami pumasok sa convinience store sa loob ng paaralan.
"Have you heard? Nick has got some eyes on someone." Sabi ng isang babaeng namimili ng bibilhin sa isang isle.
"Really? Sino? Saka pano mo naman nalaman? Ang swerte naman ng babae kay Nick, pogi na, yummy pa! I'll never get over of his abs! Jusko, kaklase ko yan sa swimming lesson noong first year." Sabi pa ng isa.
Si Nick? Swerte ang babae sa kanya? Nako po. Napakahambog ng taong yon!
"Yes, really! Hindi ko lang alam kung sino, pero ang alam ko pinabigyan nya ng flowers sa isang freshman yung girl. Pinaabot nya yung bulaklak pero tinapon daw nung lalaking kasama nung babae yung flowers.
BINABASA MO ANG
Nixon University
RomanceStory of a girl who can't choose between six boys who she liked (loved) the most. **** Warning Text copyright © Kiths L. Napao ™ 2012, 2016, 2017, 2018, 2019, 2020, 2021- The moral right of the author has been asserted. All rights reserved. This st...