XIII : 3 AM THOUGHTS WILL BE THE DEATH OF ME

37 6 1
                                    

C H A P T E R 1 3

3 AM THOUGHTS WILL BE THE DEATH OF ME



Akala nyo ba tulog na ko? Hindi kaya ako makatulog. Sa tinagal-tagal ba naman ng pagkakatulog ko kanina, sa tingin nyo makakatulog pa ko ulit? Sinabi ko lang kay Kuya Andrew na matutulog na ko ulit kasi para makapagpahinga na sya. Tsaka ang kulit.


Pinanindigan naman nya ang pagtulog sa sahig. Ipinahiram ko muna yung blanket at comforter ko at ayun. Naghihilik na. Ganito pala kaingay matulog si Kuya Andrew? Ibang iba kapag gising sya ha. Pag gising kasi sya diba tahimik lang sya? Panay pa nga naka-poker face e.


Pero ngayong natutulog sya. Oh my God! Ang gwapo! Naka-white v-neck shirt lang sya at off white shorts pero parang model ng sikat na clothing store.


His face is as handsome as a Greek God. His lips, as red as cherries, and God! His muscles... No wonder, girls in the whole school are fan girling over him. What the fridge! Ano bang pinag-iiisip ko?


I checked the time on my phone.


It's already 1 am when I heard footsteps downstairs.


I left Kuya Andrew to see if it is them (Kuya, Japs and Jordan) who have arrived.


I was about to open the door when suddenly Kuya rush towards me and hugs me like there's no tomorrow.


He's crying. Hell, his fist was dripping blood for the second time.


Dali-dali akong kumuha ng first aid kit sa cr na konektado sa kwarto namin ni Jordan. Pinaupo ko muna sya sa kama ko at hindi nya yata napansin si Kuya Andrew sa sahig. Sabagay nakahiga si Kuya Andrew sa kabilang side ng kama.


"Kuya, ano na naman bang ginawa mo?"

"I saw them, Blair." He said in between his sobs.

"Who? And what happened?"

"Si Jordan, Blair! Kitang kita ko kung pano sya halikan ng tarantadong Cason na yon sa harap ko! Bakit ganon Blair?! Ang sakit. Ang sakit-sakit! Hindi na ba nya ko nahintay? Hindi na ba nya ko mahal katulad ng dati? Sya pa rin naman ang minamahal ko ah. I've been loving her for years! Ni hindi nga ako nag-girlfriend sa states because of her! Hindi ko sukat akalain na iba na pala ang mahal nya. Sana pala dito na lang rin ako nag-aral. Sana hindi na lang ako sa states tumira. Sana hindi ko na lang sinunod si Dad. Edi sana mahal pa rin ako ni Jordan. Sana mahal pa rin ako ng babaeng minahal ko mula pa nung pagkabata."


"Kuya..."


Naaawa ako kay Kuya, seriously. Humahagulgol syang parang batang inagawan ng candy. Hindi ko na alam ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Japs dala ang isang basong tubig.


"Bro." Aniya at iniabot ang baso ng tubig kay Kuya.

"Thank you, Japs." Sabi ko naman.

"Man, you need to rest. Let's go to your room."

"Kuya, pasok ka na sa kwarto mo. Tama si Japs, you need to rest. Bukas na lang tayo mag-usap when you're sober." Nakayuko lang si Kuya habang nakapikit at humihikbi sa pag-iyak.

"Japs naman kasi. Bakit mo naman hinayaang uminom ng marami to?!" Baling ko kay Japs.

"He badly needs it. Hayaan mo na."

"Tch. Alam mo namang ang maximun tollerance ni Kuya sa alak ay hindi katulad ng sayo. Ano ka ba naman! Tara na nga, tulungan mo kong dalin sa kwarto nya to."


Nixon UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon