Devolution

2.5K 55 28
                                    

( ♪ Music Plays ♪ )

"Zombies are slow"

"zombies are stupid"

"zombies are fragile"

Ngunit paano kung dahil sa isang failed antidote, ang isang ordinaryong zombie ay magkaroon karagdang bilis, lakas, laki, ability, immunity, instinct and worst, ....intelligence?

'

2015

Kumalat ang isang viral disease sa buong mundo. Airborne at madaling maka infect kahit gaano pang kalakas ang iyong immune system, kayat hindi ito na kontrol at madali itong kumalat sa bawat bansa.

Sinisira ng virus na ito ang lahat ng sistema ng katawan. Kapansin pansin ding naninilaw ang mga mata ng isang infected. Maguumpisa ito sa lagnat na agad susundan ng pag durugo ng ilong, pagsusuka ng dugo, hemmorhage, pangingisay at sa huli, ay kamatayan.

'

2016

Makalipas lamang ang isang taon, kagimbal gimbal ang ulat na sampung porsyento ng populasyon o walong daang libong katao ang fatalities na naiulat sa buong mundo at patuloy pa itong tumataas bawat araw. Gumuho ang ekonomiya at nalugmok sa kahirapan kahit ang pinaka makapangyarihang mga bansa.

Sa kabila ng masusing pagaaral ng C.D.C. (Center for Desease Control) ay hindi sila nakagawa ng vaccine sa sakit, ni hindi nga nila malaman ang pinagmulan nito.

Ngunit may may naaninag na pag-asa ang sangkatauhan, sapagkat nakagawa sila ng isang kakaibang lunas sa sakit, isang antidote, gamit ang isang uri ng bacteria. Ang bacteriang ito ay napatunayang dinadigest ang virus sa katawan ng host hanggang sa maubos ito.

 '

2017

Nasimulan na ang pamamahagi ng antidote sa publiko sa lahat ng bansa. Positibo ang naging resulta, kahit ang mga pasyenteng nasa kritikla na kundisyon ay naagaw pa mula sa kamatayan. Maraming buhay ang nailigtas.

'

2018

Idineklara ng W.H.O. (World Health Organization) na nasugpo na ng tuluyan ang virus na ito. Nagdiwang ang sangkatauhan.

'

2019

Nagunlantang ang pamahalaan nang muling magpakita ang virus. Ang mga taong nabigyan noon ng antidote ay naging positibo nanaman sa virus na ito.

Nalaman nilang ang mga bacteriang nasa antidote ay patuloy na nag inhibit sa katawan ng tao, at ang virus na dinigest nito ay hindi tuluyang nawala, kundi pangsamantala lamang nag hibernate sa loob ng bacteria.

Ganoon parin ang mga sintomas, ngunit sa pagkakataong ito..

ay hindi nagtapos ang lahat sa kamatayan....

'

'

Sa di pa nalalamang dahilan, sinasabing naapektuhan ng virus ang bacteria dahilan upang magbago ang natural behavior nito.

Nagsimula itong maging isang parasite na kinokontrol ang host nito sa pamamagitan pag-iinfest sa mga sistema ng katawan, pangunahin na sa nervous system ng isang tao.

'

'

At pagkatapos mamatay ng isang may sakit,  ay muling nabubuhay ang katawan.

'

Ngunit sya ay hindi na magiging kagaya ng dati.

'

Hindi nya na kilala kung sino sya, hindi nya na kilala ang mga kamaganak o kaibigan.

'

Ibang nilalang na ang nasa loob ng katawan, isa nang walang isip, biolente at gutom na halimaw na walang ninanais kundi kumain ng kapwa tao.

Walang awang sinasakmal, kinakagat, pinagluluray-luray, pinapatay at kinakain ang kapwa. At ang iba na nakagat o nasugatan ng isang infected ay kaagad mahahawaan ng sakit, mamamatay at sa kalunan ay magiging kabilang na din sa mga patay na buhay.

Hindi alam ng pamahalaan ang gagawin, hindi pa sila nakakita ng sakit na gaya nito. Ang tanging nagawa lamang nila ay pangalanan ang bacteria at tinawag nila itong 'Amarantilus Parasite Bacteria'

'

'

2020

Nagsimula ang pang globong Zombie Outbreak. Itinatayang three fourth (3/4) ng populasyon ang nainfect, itinigil na ang pagbibilang ng fatalities sapagkat hindi na ito mabilang at wala nang saysay kung malalaman pa ito, at isa pa, hindi nila alam kung tatawagin ba nilang fatalities ang mga ito gayong buhay at gumagalaw parin ang mga ito. Ngunit para sa karamihan, hindi na nila itinuturing ang mga ito na mga buhay na tao.

Kundi ay kabilang na sila sa dumadaming bilang ng mga infected.

Di pa nakuntento. Dahil hindi lang nagsimulang dumami ang infected, nagsimula ding mag mutate ang bacteria kasabay ng host body, at isa isang naglutangan ang mga mutated infected na may ibat ibang lakas, kaki at abilidad.

'

Ang mundo ay hindi na gaya ng dati. Ang natitirang human survivors ay nag mistulang mga puganteng nagtatago sa sariling mundo.

Bumagsak na ang pamahalaan. Wala nang maasahang tulong, wala nang magagawang lunas.

Sapagkat ngayon....

Its either kill, or be eaten.

 '

'

- - -

(Picture/Photos used in this novel are not mine but from Capcom's Resident Evil Game Series)

copyright ©  ---Vi--- 2014

All Rights Reserved

NO TO PLAGARISM!

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon