DAY 12: Infiltration

282 18 9
                                    

(PREVIOUSLY....)

Pagkabukas ng kwarto ay tumambad kila Zed ang isang malaking warehouse. Maraming tao ang paroot parito, ang iba tumatakbo, may binubuhat na kung anu anong bagay na naka kahon, may nakita silang malapad na mesa kung saan nakalagay ang parts ng ibat ibang klase ng baril at may mga taong nagaasemble nito at sa kabilang dulo ay may mga nawewelding ng isang tangke.

Binaybay nila ang warehouse na lahat ng nakakasalubong ni Alfred ay sinasaluduhan sya. Sa dulo ng malaking warehouse ay may pasilyo, pagpasok doon ay nakita ang tabi tabing pintuan na mukang kwarto ng mga tauhan.

"San mo ba kami dadalhin?" ani Zed

Huminto si Alfred sa tapat ng isang pinto at binuksan iyon. Pagkatingin sa loob unang nakita ni Zed ang isang kama, at nakaupo rito ang isang babae.

Si Elise.

- - -

(CONTINUATION....)

[*Artificial intelligence - is the human-like intelligence exhibited by machines or software. It is also an academic field of study.]

“Elise!” sigaw ni Zed mula sa labas ng kwarto.

“Zed!” sagot nya at agad napatayo  sa higaan, nanalalaki ang mga mata na parag nakakita ng patay “I mean, captain.”

Mabilis na naglakad si Zed papasok ng kwarto, sinalubong sya ni Elise at niyakap, ngunit nang mapagtanto ang ginawa ay agad bumitaw si Elise na parang di mapalagay.

“Captain, di ako makapaniwalang buhay ka!”

“Zed na lang, hindi na tayo mga militia ng Fort Liberty” ani Zed na di maitgago ang ngiti sa saying nakita muli ang kasamahan “Akala ko rin ay napahamak na kayo!”

“Ilaw lang ba, nasan si Dan at Marco?” ani Elise

Nang hindi sumagot at di makatingin si Zed sa kanya ay naintindihan nya na ang ibig sabihin. Wala na syang sinabi pero napapaluha na si Elise

“Akala ko rin katapusan na namin, pero, niligtas kami ni Captain Christine.” ani Elise “Inivacuate nya ang natira sa grupo naming gamit ang mga helicopters”

“Nasan na nga pala sya at ang iba!?” ani Zed palingon lingon sa maliit na kwarto “at si Rico?”

Napayuko si Elise “Hindi ko nakasabay ang ma sibilyan, sakay kami ng mga helicopter na nakapunta sa lugar na to, pero na niradyo saming nakaalis ng ligtas sa pier ang mga sibilyan”

“Si Rico, nasan sya?”

Di sumagot si Elise.

“Elise, nasaan si Rico?”

“Nakuha nila si Rico” ani Elise “At malamang pati ang mga sibilyan”

“K- kinuha? Sino,  bakit?” naguguluhan na si Zed.

“Zed, matapos naming mkarating sa airport ng Avalon, may mga taong armado ang sumalubong samin. Tinutukan nila kami, at agad pinagbabaril ang iba, nagkaroon lang ako ng pagkakataong makatakas kasama ang iba, pero si Capt. Christne at si Rico, hindi ko sila nakita pa dahil nasa ibang helicopter sila”

Napaatras si Zed at tumingin sa likuran kung saan nakatingin din sa kanya si Alfred. “Ibig mong sabihin, bihag nila ang mga sibilyan at ang iba pa?”

Tumango si Elise “Pakana lang nila ang transmission para puntahan sila ng mga survivors, pero iba ang motibo nila”

“Anong gagawin nila sa  mga taong bihag?!”

“Kagaya ng sinabi ko” ani Alfred na pumasok parin sa kwarto, si Clarisse, Benny at ang iba pa ay naikinig lang sa labas ng pinto “Para sa kanilang eksperimento, gamit ang mga katawan ng tao”

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon