DAY 4: Memento

439 30 18
                                    

PREVIOUSLY....

Pinagbabaril ng lalaki ang mga papalapit ngunit di hamak na mas marami ang infected kaysa sa bala ng baril nya. Dinambahan sya ng isa sa mga ito at ng isa pa at ng isa pa hanggang sa hindi na sya makita sa tumpukan ng mga infected. Narinig nalang nila ang pag sigaw nito at ang pag agos ng dugo mula sa tumpukan ng infected.

"Damn!" ani Zed. Dismayado sa nangyari. Pinaputukan pa nila ang mga nakakapit na infected at isa saing nagsilaglagan. Unti unti, nabalik ang control dito ng piloto bago sila tuluyang bumangga sa isang gusali.

Umangat ang chopper ng mataas. sinusundan parin ng mga nagtatakbuhang infected pero malabo nang maabot pa  sila ng mga ito.

Ginabayan nila Zed ang piloto papunta kina Elise at Rico na masayang kumakaway  mula sa ibaba. Pagkasakay ay dali daling lumipad palayo ang helicopter mula sa impyernong syudad, pabalik sa kanilang Head Quarters, ang Fort Liberty.

- - -

CONTINUATION....

Tahimik ang lahat habang bumabyahe sakay ng Military helicopter. Walang ganang makipagusap ang sinoman matapos ang naganap na aksidente habang nirirescue ang team ni Zed. Marami nang kamatayang nasaksihan ang mga taong ito ngunit bawat buhay ang mawala sa kakarampot na ngang populasyon ng tao ay isang malaking kawalan sa kanila.

Kinapa na lang ni Zed kang kanyang silver necklace sa dibdib at inilabas ito. Ang pendant ng kwintas nya ay hindi isang dyamante o singsing o dogtag, kundi isang puti at patusok na bagay na dalawang pulgada ang laki. Parte ng isang naputol na galamay ng isang halimaw

Ang halimaw na pumatay sa pinakamamahal na pamilya ni Zed. Di nya maiwasang maalala ang kahindik hindik na nangyari sa kanila ilang oras lamang bago ang zombie outbreak.

- - -

"Welcome home Anak" mainit na pagbati ni Maria, ang ina ni Zed habang pinapatuloy sya sa kanilang bahay.

Magaang niyakap ni Zed ang ina sabay nagtanong "Nasaan si Nadja?"  hinahanap ang kanyang nakababatang kapatid na babae.

"Nandito kuya! ang tagal mo naman, gutom na ko e!" sigaw ng teenager na babaeng pababa sa hagdan. "kuya wala kang pasalubong?"

"Bakit birthday mo ba?" pagbibiro ni Zed

"Kuya naman e, you promised!' angal ng kapatid na naka nguso na.

Tumawa naman si Zed sabay ginulo ang buhok nito para asarin pa lalo bago sinabing "O heto, yan na yung pinangako kong ipod sayu, para di mo na ko kulitin"

Excited at tuwang tuwang kinuha nito ang regalo "salamat kuya!" sigaw ng kapatid ay niyakap sya. Bubuksan nya na sana agad ang regalo nang pigilan sya ng ina

"Nadja mamaya mo na buksan iyan, kakain na muna tayo, late na"

"Naaamoy ko na nga ang ulam e" ani Zed na napapapikit pa habang lumalanghap sa paligid "ano po bang niluto nyo Nay?"

"Ano pa edi lahat ng paborito mo, dahil icecelebrate natin ang promotion mo sa trabaho" ani Maria na hinahatak na ang anak papunta sa kusina.

Tinaggal ni Zed ang coat at inilagay ang bag sa sofa at magsisimula na silang kumain agad dahil ginabi na sila sa paghihintay sa kanya upang maghapunan.

Tatlo na lang silang nakatira rito mula nang mamatay ang kanilang ama . Simula noon ay si Zed na ang tumayong pangalawang ama sa kanilang pamiya.

Matapos mag pray, kakain na sana sila ng hapunan ng may marinig na ingay sa itaas ng bahay.

Dahil  tatlo lang silang nasa bahay at wala naman silang alagang hayop ay agad nagduda si Zed.

"Mom, Nadja, dito lang kayo, titignan ko lang" ani Zed sabay tumayo at kinuha ang wooden axe sa tabi na ginagamit nya pang sibak ng kahoy bilang armas bago umakyat sa hagdan.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon