DAY 5: Fort Liberty

426 26 23
                                    

(PREVIOUSLY....)

Isa talaga itong malaking bilangguan ngunit ginawang fortress ilang buwan matapos ang zombie outbreak at ito ang nagsilbing tanggulan ng mga nakaligtas at isa sa kakaunting ligtas na lugar para sa sangkatauhan

"This is Black Eagle 014 approaching south of Fort Liberty, do you copy?" niradyo ng Piloto ng helicopter

"This is Fort Liberty, you are clear to land Black Eagle 014"

'

'

Sa wakas at nakabalik na rin ang team ni Zed sa kanilang itinuturing na tahan.

Kamapante at walang pangamba, panatag at ligtas.

Ngunit hanggang kailan?

- - -

(CONTINUATION....)

Dahan dahang lumapag sa open field ang helicopter at nagbabaan ang mga sakay. Nakaabang na roon ang mga cart na paglalagyan nila ng kanilang mabibigat na bags na may lamang mga supplies at ang ang malaking kwadradong makina na kasing laki ng xerox machine, isang scanner para tiyaking hindi sila na infect ng virus

Bawat squad ay may kani kaniyang atas kung ano ang dapat i loot sa syudad, hindi lang food and water supply, kinakaylangan din ng iba pang essential needs gaya ng fuel, medicine, ammunitions, scraps at kung anu anu pa, at naka toka sa squad nila Zed ay medicines.

Dinala ng mga nagtutulak ng cart ang mga bag nila sa loob ng isang dalawang palapag na gusali at may karatulang red cross sa itaas, ang infirmary kung saan sinasalansan at ipinamamahagi ang mga supplies sa kung sino ang pinaka nangangaylangan at kitang kita ni Zed kung gaano kahaba ang pila ng mga taong nangangaylangan, ngunit nakapila sila ng maayos at tahimik dahil kung sila ay manggugulo ay walang anu anoy babarilin sila ng mga naka istasyong gwardya. Ganito kahigpit ngunit ka organized sa Fort Liberty.

Binilang ni Zed ang mga Nakalapag na chopper, mukang may isa pang hindi nakakarating bukod sa kanila. Ang mga military chopper ang transportasyon ng mga  squad para makapang loot sa mas malalayo pang lugar sapagkat halos wala nang makukuha sa mga gusali malapit sa kampo at bawat buwan ay parang palayo ng palayo ang kanilang ruta.

Pagkatapos makalampas sa checkpoint at sa mga naka istasyong mailitary tanks at humvee, naglakad ang lima papunta sa pinakamalaking gusali na nasa tapat lang ng open field, ang Liberty prison. Ngunit hindi na bilanggo ang mga nakatira rito dahil nag silbing residential area na ito ng mga mamamayan ng Fort Liberty kapwa ng mga sibilyan at militia na kagaya nila Zed.

Nadaanan nila ang market place, kung saan nagaganap ang kalakalan sa Fort Liberty. gawa lang ang marketplace sa pinag tabi tabing tent at ang iba ay nakalatag lang ang mga tinda sa sahig. Halos lahat ng kaylangan mo ay mabibili rito, mula sa pagkain at inumin, hanggang sa mga armas.

Hindi pwedeng umasa lamang sa nakukuhang loot sa labas ng syudad kayat sa likod ng Liberty prison ay matatagpuan ang greenhouse na tinataniman ng ibat ibang uri ng prutas at gulay, at nandoon din ang barn kung saan inaalagaan ang ibat ibang hayop na maaari ring kainin.

"Mauna na kayo" ani Zed sa mga kasama ng malapit na sila sa residential area. "may kukunin lang ako sa palengke" palusot ni Zed ngunit ang totoo ay gusto nya lang magpahangin at makapag-isa.

Naglalakad sya sa marketplace na punong puno ng mga tao. Nakita nya ang isang lalaki na naglalakad kasama ag kanyang anak na lalaki. Di maiwasan ni Zed na maalala ang ama nya.

Noo'y nagtatrabaho s CDC ang ama nya, isa sya sa mga siyentipikong pinagaaralan ang vaccine para sa virus. Laging subsob sa trabaho ang ama nya lalo pa't maraming tao, maging ang gobyerno sa buong daigdig ay umaasa sa kanila at siguradong naka pressure iyon.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon