DAY 2: Yellow Sunset

528 31 18
                                    

(PREVIOUSLY.....)

Pag lingon ni Zed ay nasa likuran na pala nya ang apat na kasamahan, naghihintay ng kanyang utos

"What's your order Capt?" ani Randy.

Tinignan sila nito ng seryoso na parang may masamang ibabalita "isang Cheeseburger at french fries, large yung coke ha?"

Nagtawanan ang boong squad. Gusto lamang pagaanin ni Zed ang mood dahil hindi na maganda ang susunod na mangyayari

"Get ready team" aniya na tumigil na sa pag tawa. Naging seryoso at alert na rin ang kanyang mga kasamahan, nagkasa ng kanilang mga baril, nagayos ng damit at isinukbit ang mga backpack

" This is going to be a wild party"

- - -

(CONTINUATION.....)

Binabaybay ng lima ang Redwoods residential area.

Hanggat maaari ay ayaw nilang pumunta sa highway at ano pang open area dahil madali silang makikita ng mga infected.

Muka silang mga magnanakaw habang tahimik na naglalakad at nagtatago sa likod ng mga bahay, sa ilalim ng puno at sa masisikip na eskinitana na parang may tinataguan. Tahimik at mabilis na parang hangin ang galaw nila. Forty minutes na lang kasi ang natitirang oras bago umalis ang chopper na magaalis sa kanila sa lugar na ito

Mistulang ghost town na ang paligid. Walang ingay at mukang payapa. Ngunit alam nilang isang karumal dumal na pangyayari ang naganap sa lugar na ito.

Bukas ang mga binata at pintuan, kung anu-anong bagay ang nagkalat sa daanan at bakuran ng mga bahay. Maleta, bisikleta, libro, mga laruan, mga damit, at ibat ibang household appliances. Pwede ka nang magtayo ng garage sale sa dami ng ibat ibang kagamitan ang nagkalat na naiwan ng mga nag eevacuate na mga residente.

May mangilan ngilang infected silang nakakasalubong ngunit kakaunti lang ito para maging isang threat sa mga gaya nilang eksperto na sa pagpaslang ng mga ito. Karamihan dito ay bina backstab nila at pinapatay ng tahimik gamit lang ang melee weapons at lahat ng baril nila ay mayroong silencer upang hindi lumikha ng ingay na makaka attract ng infected sa ibang lugar.

"Ang tahimik naman dito, nasaan ang mga infected?" ani Rico matapos tahimik patumbahin ang isang infected gamit  ang matulis na bato.

"Nang magkaroon ng outbreak, ang mga residential areas na gaya nito ang unang nawalan ng tao dahil agad silang nakalikas. Ang mga infected naman, karamihan sa kanila ay nasa mga lungsod. Malamang ay naatract sila ng matinding ingay doon dahil sa putukan ang bombing kayat naiwang tiwang wang ang lugar na ito" ani Zed sabay lapit sa isang infected at sinaksak sa ulo. "Pero maging alreto kayo, hindi natin alam ang pwedeng mangyari"

'

'

"Cap, wait" ani Dan. Napansin ni Zed na medyo nakayuko na itong maglakad at nakahawak sa bandang ibaba ng kanyang tiyan, pinagpapawisan. "Pwede ba tayong mag stop over saglit"

"Bakit, anong problema?"

"Na.. na .."sabi nito mukang namula pa ang muka "na je jebs na ko Capt, di ko na matiis e" sabi nito at lalong namula, di nila alam kung sa sobrang sakit ng pantog o sa hiya. Napa facepalm si Zed at Randy, pabulong namang tumawa si Rico na agad kinutusan ni Dan.

Kung ibang kapitan lamang ay tiyak na hidi ito papayagan at pagagalitan pa ngunit maintindihin si Zed sa mga kasamahan nya, alam nyang naubos ang panahon ni Dan at di na nakapag banyo dahil tinulungan pa nya si Elise na gamutin ang sugat nito.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon