Day 11: Avalon

309 22 3
                                    

(PREVIOUSLY....)

"Ikaw rin, subukan mong wag mamatay ah" ani Bill.  Sinaluduhan si Zed, at sa unang pagkakataon ay di sya tinawag nitong 'bata'. Pinandar nya ang motorsiklo, pinaingay ang gulong nito at humarurot palayo.

Sumakay narin si Zed sa saskyan, si Clarisse sa kanyang tabi, si Benny sa likuran kasama ang machine gun, tahimik parin ito. Pinaandar ang makina at umalis na sa rin sa lugar.

"San na tayo pupunta?" ani Clarisse, kinuha ni Zed ang isang mapa at itinuro doon ang isang lugar "Dito nagpunta ang mga kasama ko, ligtas sa lugar na to."

Papunta sila ngayon sa lugar kung saan din nagtungo ang mga kasamahan ni Zed.

Ang lugar na na tinatawag na, Avalon.

- - -

(CONTINUATION....)

Kasalukuyang binabaybay nila Zed ang kahabaan ng kalye ng isang syudad, tahimik. Ang naririing lang na ingay ay ang tunog ng makina ng sasakyan at ang paulit ulit na sinasabi sa recorded voice transmission; "Sa lahat ng survivors, magpunta, rito sa Avalon. Mabibigyan namin kayo ng tahanan, pagkain at seguridad. Ligtas sa mga infected ang lugar na ito" sabi ng boses. Kabisado nya na ito dahil sa Fort Liberty pa lang ay pinapakingan nya na ang transmission na ito.

Maya ay may narinig silang mga sigaw at putukan ng baril sa di kalayuan kasabay ng pagkakita ng itim na usok sa malayo.

Kakarating pa lang nila sa malaking syudad na to, wala rin pinagkaiba sa kanilang pinangalingan, abandonado, sira sirang mga gusali, nagkalat kalat na mga sasakyan at amoy bangkay. Buti na lang at may espasyo pa para lusutan ng kanilang sasakyan. Ayon sa binigay sa kanilang coordinates ng transmission ay makikita ang Avalon sa kalagitnaan ng lungsod. Pero kaylangan muna nilag mag segway nang marinig ang mag putukan, baka mayroong nangangailangan ng tulong, at di nga sila nagkamali.

Pag liko sa Isang kanto, nakita nila sa di kalayuan ang isang grupo ng mga taong tumatakbo, ang iba’y nagpapaputok, may dala dala silang malalaking backpack, mukang mga scavenger sila.

“Crawler, takbo!” Narinig nyang sigaw ng isa sa kanila. At sa likuran ng mga nagtatakbuhang tao papunta sa direksyon nila, ay lumabas ang isang grupo ng mga infected, napaisip si Zed kung bakit tinawag na crawlers ang mga ito, muka lang kasi silang mga common infected, maliban lang sa bahagyang mangitim ngitim nitong balat na parang may pasa sa buong katawan.

Pinatakbo nila ang sasakyan sa direksyon ng mga infected para tulungan ang ibang nahuhuli. Pinagbabangga ng kotse nila ang tumatakbong mga infected, isang tao ang maabutan na ng infected pero binagga ito ni Zed at tumalsik sa pader. Mukang wala naman syang makita  na kakaibang katangian ng mga infected na ito. Naguguluhan din sya sa mga taong bumabaril, sa katawan nila binabaril ang mga infected na to, para bang pinapatumba lang nila ngunit di nila pinapatay. Hindi ba nila alam kung paano pumatay ng infected? Dapat ay sa ulo ito pinapatamaan para mamatay agad.

Isang tao ang nadambahan ng infected, natumba sila at nadaganan sya nito, kakagatin na sya nito sa leeg pero binaril ito ni Zed sa ulo mula sa bintana ng sasakyan, pumutok ang ulo nito at bumulagta, inalis ng lalaki ang bangkay ng infected na nakadagan sa kanya at tumayo pero bago ito tumakbo ay tumingin ito ng masama kay Zed

“Ano bang ginagawa nyo, pinapalala nyo lang ang sitwasyon!” reklamo nito na pinagtakahan naman ni Zed pero nalaman nya na kung bakit.

Nakita nya ang infected na binaril nya sa nagsimulang mangisay na parang kinukuryente habang lumalabas ang mala berdeng likido sa leeg kung saan dapat nakalagay ang ulo ngunit pinasabog na ito ni Zed. Bigla na lang may lumabas dalawa at mahahabang itim at patusok na galamay sa magkabilang bewang ng katawan, naunat din ang mga braso at binti ng katawan at sa dulo ng mga palad at talampakan ay may lumabas ding patusok na galamay, bigla ring lumobo ang tiyan nito na parang isang buntis at sa leeg naman nito ay bumulwak ang  isang bilog at itim na ulo na maraming mapupulang mata katulad ng sa gagamba, at sa ilalim ay dalawang malaki at mapupulang pangil.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon