Day 9: Crimson Dawn

334 25 3
                                    

(PREVIOUSLY....)

Sinulyapan pa nya si Clarisse na mahimbing na natutulog sa higaan, di man lang nya alintana na may kasama syang lalakeng di nya kilala sa kanyang kwarto, napangiti si Zed.

Isinukbit nya na ang bag, binuksan ang pinto at bumaba sa hagdan. Patungo na sya pintuang palabas ng bahay nang mapahinto sya nang makarinig ng pagsabog na sumira sa katahimikan. Sinundan ito ng malakas na tunog ng sirena.

Binuksan nya ang pinto at nakakita ng malakas na siklab ng apoy sa malayo, sa may bandang pader, naisip ni Zed na nandun sila kanina kung saan nya nakita ang uwang sa pader, sunod nyang narinig ay mga ungol.

Ungol na di nya akalaing maririnig nya sa lugar na ito.

- - -

(Special Guest: Bill - Left 4 Dead)

(CONTINUATION....)

"Infected!" sigaw ng isang taong tumatakbo "Napasok tayo ng mga Infected!"

Unang nakapasok ang mga infected na nagliliyab ang katawan, wala silang pakialam kahit nasusunog pa ang katawan nila, patuloy silang pumapasok sa loob ng kampo.

Kasabay ng Malakas na sirena ay ang sigawan ng mga tao, takbuhan, at ang putukan ng baril. Lumingon si Zed nang may marinig na nagmamadaling pababa ng hagdan, si Clarisse na hindi na nakapang tulog. Kahit di pa nya nakikita ay alam nya ang ibig sabihin ng tunog ng sirena

 Nanlalaki ang mga mata, nakatayo na ito sa likod nya at nasasaksihan ang nangyayari, nakatakip ang isang kamay nito sa bibig. Pumasok si Zed sa loob ng kwarto, ibinaba ang malaking backpack sa sahig, pumunta sa mesa ni Clarisse at kinuha doon ang isang maliit na kitchen knife.

"Dito ka lang, wag kang lalabas, wag mong bubuksan ang pinto at mga bintana" ani Zed

Nagsimula syang maglakad palabas nang tawagin sya ni Clarisse, mula sa bewang ay may kinuha ito, isang semi-auto handgun. "Magiingat ka" mapag-alalang sabi nya.

Habang ang mga sibilyan ay tumatakbong papalayo sa Sunog , si Zed nanaman ay tumatakbong papunta roon. Maya maya pa ay nagsilabasan na sa eskinita ang ilang mga infected, hinahabol ang natatarantang mga sibilyan.

Isang babae ang nadapa habang hinahabol ng infected, dadambahan na sya nito sa likod pero pinaputukan sya ni Zed mula sa malayo.

"Takbo na!" sigaw nya rito, nanginginig itong tumayo at tumakbo palayo. Ilang common infected pa ang lumabas sa eskinita papatakbo sa kanya.

Dinaluhong sya ng isa na parang aakapin pero umikot sya sa gilid nito papunta sa likod ng infected at sinaksak ito sa likod ng ulo. Hinawi naman ng isa pang infected ang kamay nito pero yumuko si Zed, hiniwa ang tuhod nito gamit ang kutsilyo, napaluhod ang infected at pagkaikot sa tabi nito ay sinaksak ni Zed sa tuktok ng kanyang ulo. Papalapit pa ang isa sa likuran nya, nilingon nya lang ito itinutok ang baril sa muka ng infected at pinasabog ang bungo nito. Nang maubos ay nagtungo na sya sa pader kung saan nya naririnig ang maraming putukan.

Tumamabad sa kanya ang mahigit tatlong metrong seksyon ng nawasak na pader. Nagliliyab pa ito at maraming debri ng pader ang nagkalat, nagulat si Zed nang mapagtantong hindi mga infected ang sumira ng harang, kundi isang pampasabog. Inisip nya kung sino namang taong nasa katinuan ang gustong papasukin ang mga infected?

Nakita nya sa di kalayuan ang ilang mga taong pinagbabaril ang mga infected, alam nila kung paano patayin ito, sa ulo nila pinatatamaan hanggat maaari, pero unti unti parin silang napapaatras dahil parang langgam sa dami ang mga pumapasok na infected at malaki ang sira ng pader para matakpan, Marami na ring nakapasok na infected sa kampo, ang iba pa nga ay nakasalubong nya, di na nila ma kontrol ang sitwasyon. Unti unting nalalagas ang mga lalaking lumalaban at patuloy lang ang pag daloy ng mga infected papasok.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon