DAY 13: Into the Darkness

290 18 5
                                    

(PREVIOUSLY....)

Konting paglalakad pa ay may nakita silang steel door,  na mabubuksan lamang sa pamamagitan ng electronic key card na dapat ipadaan sa swiper sa tabi ng pinto.

"Nandito na tayo" ani Alfred, walang sigla sa muka nya pagkat hindi pa nakakapasok sa lab ay tatlo na agad ang namatay sa grupo. Pero masasayang lang ang sakripisyo ng mga iyon kung hindi sila magpapatuloy.

Ikinasa ni Zed ang baril. Nararamdaman nya magsisimula pa lang ang lahat at para bang may mas ka hindik hindik na bagay ang naghihintay sa kanila sa loob.

Ngunit walang makapagpapahinto sa kanya para sirain ang Avalon at iligtas ang kanyang mga kasamahan.

- - -

(CONTINUATION....)

Nagpahinga muna sila Zed sa tapat ng pintuan, tutal ay malaki laki naman ang espasyo ng tunnel. Si Benny kasama ng ibang lalaki ay sinusuri ang mga armas, si Elise naman at si Alfred ay dinistrongka ang mga turnilyo ng card swiper, natanggal ang swiper at sa likuran non ay makikita ang marami at makakapal na wires na may ibat ibang kulay at sinumulang galawin ni Alfred ang mga iyon ngunit mukang alam naman nya ang ginagawa nya.

Sa malayo ay rinig parin ang pag kalampag ng mga infected sa mga rehas ngunit hindi sila nakakalapit

Simandal si Zed sa pader ng tunnel at tinabihan sya ni Clarisse.

"Ayos ka lang ba?" ani Zed

"Oo" simpleng sagot ni Clarisse, nakatigin sa kisame at mukang may iniisip.

"Bakit kapa kasi sumama, masyadong delikado" ani Zed

"Kaya nga ako sumama e, alangan namang pabayaan lang kit- , ko kayo" ani Clarisse, bahagyang nautal "Isa pa, may nay nakita rin akong pamilyar na mga sasakyan doon sa bakanteng lote, mukang may napapadpad ding mga kasamahana namin ni Benny dito"

Napabuntong hininga si Zed "bastat magiingat ka" aniya sabay hinawakan si Clarisse malapit sa kamay nito na agad din naman nyang inalis nang matanto ang ginawa.

"Isa pa, dapat makabawi ako sayo sa pagliligtas mo sakin" ani Clarisse, inilusot ang kamay sa collar ng kanyang damit at may kung anong kinukuha sa kanyang dibdib, mabilis na nilayo ni Zed ang kanyang lingon bahagyang namumula, maya maya ay inilabas ni Clarisse ang isang silver necklace, iyon ang regalong ibinigay sa kanya ni Zed, nasurpresa syang suot suot parin pala iyon ni Clarisse. "Saka lumalakas ang loob ko, kasi alam kong nandyan ka, para protekthana ak-, kami, lahat kami"

"Di ko hahayaang may mangyaring masama sayo..." bigla na lang lumabas ang mga iyon sa bibig ni Zed "...at sa iba pa" dinagdag nya nang makitang nakatitig sa kanya si Clarisse, sabay agad nyang inwas ang tingin, sakto namang na tyempuhan nya si Elise na naktiang nakatitig sa kanilang dalawa, nang mapansin ito ni Elise ay mabilis nyang inilayo nya ang tingin nya kila Zed.

Bigla silang may narinig na tunog ng makinarya galing sa pinto, ang kulay pulang ilaw sa itaas nito ay naging berde at ang bakal na pinto ay dahan dahang nagbukas.

"Let's move out team" ani Alfred at nagsitayuan na sila. "na Infiltrate na ng virus ang security programs ng laboratory, hindi nito magagawang sirain ang Red Princess mula rito pero pansamantalang madi disable nito ang mga CCTV camera sa loob.

"Pansamantala?" ani Zed " gano katagal bago bumalik ito sa sistema?"

"Thirty minutes"

'

'

Pagkabukas ay madilim ang kwarto sa loob pero naaanilag nila ang hagdan paagkyat at ang pintuan sa itaas, berde na rin ang kula ng ilaw nito. Pagkaayat at pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanila ang isang puting hallway, ang sahig, kisame ay simpleng puti lamang, pinagmumukang  napaka linis ng lugar. Ang isame ay puti rin na mayroong hile hilerang pahabang fluorescent lamps. May naktita silang mga CCTV sa itaas ng ding ding ngunit halatang hindi ito gumagana.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon