DAY 6: Hell Broke Loose!

406 26 11
                                    

(PREVIOUSLY....)

"Ilang linngo na rin akong nakaktanggap ng emergency frequency galing sa isang lugar na sinasabing mayroon ligtas na lugar doon, isa ring fortress, nagpadala na ako ng ilang tauhan para suriin ang lugar at positibo ang kanilang report sa aikn"

"Pero sa dami natin, imposibleng hindi tayo makikita ng mga infected, siguradong pagpipyestahan nila tayo, at wala tayong magagawa sa dami ng bilang nila.

"Alam ko iyon, at alam ko ring maraming mamamatay sa paglabas natin sa ating pader, ngunit kung mananatili tayo rito ay siguradong katapusan na nating lahat"

Nag bulung bulunag uli sila, mukang hati ang opinyon ng mga sundalo

"Maya maya lamang ay sasabihin ko na rin sa mga mamamayan ang lahat, kayo naman ay maghanda na"

"Pagkat  siguradong may magaganap na matinding labanan."

 - - -

(CONTINUATION....)

Abala ang lahat ng nasa campo, abala sa pageempake, sa pagaayos ng armas,  at sa pagiimbentaryo ng supplies. Maraming tao ang palakad lakad at tumatakbo, maingay at puro sigawan, maririnig mo rin ang tunog ng umaandar na mga sasakyan kung saan saan. Ito na ang pinaka abalang araw na nakita ng lahat  na taga roon, sapagkat kinabukasan ay ang araw na itinaktada para sa kanilang paglisan.

Mga ilang beses din yumanig nang araw na yon at lalu pa itong lumalakas. Kung ano man ang nasa ilalim ng lupa, tiyak na malapit na itong lumabas.

Mas marami ang tumatangging umalis sa kampo, di na nagulat ang heneral dahil ilang taon na rin silang naninirahang ligtas sa loob ng mga pader ng Fort Liberty. Hindi naman sila painipilit kung gusto nilang manatili, ngunit sila na ang bahalang magtanggol sa sarili nila kapag dumating na ang napakaraming infected na maglalabasan sa ilalim ng lupa.

Ang iba sa kanila ay nagpapaalam na rin sa isat-isa, alam nila na hindi lahat sila ay makakatawid nang ligtas sa kanilang pupuntahan. Alam nilang marami ang mamamatay at magsasakripisyo para mailigtas ang iba at wala na silang panahong magpaalam sa isat-isa kapag nagsimula na ang pagalis kayat ginagawa na nila ito ngayon.

Kung sapat lang sana ang na likom na gasolina ay paunti unti na lang sanang itatawid ang mga tao gamit ang helicopters papunta sa Avalon ngunit sapat lang ito upang madala ang mga tao gamit ang mga trucks sa pinaka malalpit na port kung saan nagaantay ang isang napakalaking cruiser ship na gagamitin nila sa paglalakbay.

Bago pa ang araw ng paghahanda ay sinabi na sa kanila ng heneral kung paano isasagawa ang evacuation. Hahatiin sa tatlong unit ang lahat ng militia.

Bago buksan ang west gate ay papaulanan ng pampasabog ang harapan nito para maubos ang mga nagkukumpulang infected roon, agad namang lalabas ang unit one at two at pupunta sa kanan at kaliwang panig ng gate at mauunang mag martsa at naka backup din sa kanilang ang mga helicopter  sa itaas. Sila ang magsisilbing decoy at first line of defense upang makausad ng ligtas at mabilis ang malaking grupo ng mga sibilyan na lalabas kasunod nila. Lahat ng infected na magtatangkang lumapit sa grupong iyon ay daraan muna sa kanila.

Ngunit sa dami ng infected ay siguradong may mga makakalampas parin sa kanila at di rin nila mahaharangan ang mga infected na magmumula sa unahan at likuran.

Kaya’t ang unit three ang naka talagang magbantay sa mga sibilyan at sila rin ang mangunguna sa mga ito papunta sa pier kung saan nagaantay ang malaking barko.

'

'

Sa wakas at sumapit na rin ang itinakdang araw, tahimik ang lahat na sama sama at siksikan sa malaking open field. Unti unting tumataas ang tension habang hinihintay ng lahat ang pagsikat ng araw na hudyat ng simula ng operasyon. Kulang kulang tatlong libong pinagsamang mga militia at sibilyan ang lilisanin na ang kampo. Handa na rin si Zed na napunta sa unit three at ang heneral mismo ang mangunguna sa kanila. Iniisip lang nya ang mga kasama, pagkat nagkahiwalay  sila, si Dan at Randy lang ang kanyang kasama sa unit three, si Elise at Rico ay nasa unit one, kahit si Christine pa ang nangunuguna sa unit na yon ay di parin sya mapalagay.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon