DAY 1: Reminisce

863 39 29
                                    

"Malayo pa ba?" reklamo ni Rico habang dala dala ang isang malaking backpack na puno ng supplies.

"Konting tiis na lang, dito na yon banda e" ani Zed, ang team captain ng squadron seven. Kasama pa nila sila Dan, Randy at Elise na naglalakad sa ilalim ng malaki, madilim at mabahong sewer. Wala kang ibang maririnig dito kundi ang dumadaloy na maduming tubig at pagpatak patak nito kung saan saan. May mabaho ring amoy ngunit di sila naaapektuhan sapagkat naka gas mask sila at naka combat attire.

"Shiit, Hindi ko parin ma contact ang base." ani Elise na pinupukpok ang radyo. Ilang oras na silang pagala agala sa ilalim. Dahil sa isang di inaasahang pangyayari ay nahiwalay sila sa ibang grupo.

"Shhhh!" ani Zed pagpapatahimik sa kanyang mga kasama sabay tutok ng kanyang baril sa madilim na tunnel ng sewer sa unahan. Naintindihan agad ito ng iba pa at naging alreto na tumitingin sa kapaligiran. Kahit saan maaaring lumabas ang mga infected. Sa likuran, sa tubig at sa malalaking butas sa sewer.

Papalapit ng papalapit ang tunog.

Galing sa likuran!

Mabilis silang lumingon, nakatutok ang ang mga baril para paulanan ng bala ang anumang lalabas sa kadiliman.

Sandaling katahimikan ang nanaig sa lugar.... bago lumabas ang isang daga.

Napatawa na lang silang lima, magpapatuloy na sana uli sa paglalakad.

Ngunit may lumabas uli sa kadiliman. Isang pesteng daga nanaman.

Isa, dalawa, tatlo, nagsimulang dumagsa ang maraming daga mula sa kadiliman at lumikha ng matitinis na ingay. Para bang may tinatakbuhan ang mga ito.

( ♪ Music Plays ♪ )

Sumunod ay ang mga ungol, ungol ng mga gutom na gutom na hayop.

Matapos nito ay lumabas na ang maraming infected.

Kumakaripas ng takbo ang mga ito, punit punit na puno ng natuyong dugo ang damit, may madugong mga labi, naninilaw na mata at galit na galit na mga expresyon. Lalaki, babae, bata, matanda na galing sa ibat ibang antas ng lipunan. mayroon naka amerikana, ang isay parang construction worker, ang isa namay parang galing lang sa beach. Pero lahat sila ay may iisang pakay. ang kainin sila ng buhay.

"Fire!" sigaw ni Zed at pinaulana nila ng bala ang mga ito.

Isa isang nagsisitumbahan ang infected. Hanggat maari ay sa ulo nila pinapatamaan ang mga ito. Bumabaril sila habang papaatras. Nagbagsakan ang katawan ng mga infected at tumagas ang dugo na humalo na sa maruming tubig ng sewer.

Unti unti na nilang na ko kontrol ang sitwasyon ngunit bigla na lang isang ma puting likido pumailanlang sa ere papunta sa kanilang lima.

"Incoming Acid!" sigaw ni Dan kaya nakita ito ng iba pa at nagsitalunan palayo rito. Umusok ng matindi ang lugar kung saan tumama ang malatubig na asido at ang mga katawan ng infected na natalsikan ay natunaw at naging tumpok ng slime.

"Damn, may Toxicator!" ani Elise nang makita ang isang mutated zombie na bahagyang malaki ang tiyan at naglalaway ng husto, wala itong saplot na kahit ano, malamang ay natunaw sa sarili nitong asido at nakahalo ito sa gitna ng iba pang infected.

Dahil sa pagiwas nilang yon ay naantala ang pagpapaulan nila ng bala kayat mabilis nakalapit ang mga infected sa team ni Zed.

Sinabayan pa ito ng isa pang mutated zombie, ang Leaper, isang payat at maputlang nilalang na ang mga kamay at paa ay kagaya ng sa isang butiki at kayang tumalon ng napakataas na parang isang palaka. Lumabas ito sa isang butas sa tunnel nang hindi nila napapansin.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon