DAY 7: Sacrifice

367 26 9
                                    

(PREVIOUSLY....)

Ang mga bala galling sa mga militia sa helicopter ay parang mga bolang tumatalbog sa mala batong kulay abo nitong balat, sa halip na masaktan ay parang nairita lamang ito, dumampot ng isang kotse na para lang itong maliit na bato at hinagis pataas, sa sobrang lakas at bilis nang bulusok ay hindi nakailag sa oras ang isang helicopter, tumama ang sasakyan sa buntot nito at naputol, mabilis na bumulusok ang helicopter sa ibaba at sumabog.

Bagamat inaantala sya ng mga helicopter para sa zombie na ito ay para lang silang maliliit na langaw na humahadlang sa pagpunta nya sa kanyang tunay pagkain

At iyon ay ang grupo ni Zed

- - -

(CONTINUATION....)

Panay lang ang pag baril ng mga helicopter sa Gargantuan pero patuloy lang ito sa pag bulusok kila Zed. Talagang hindi maganda ang timing ng paglitaw ng halimaw na ito na kadalasay nasa gitna lang ng syudad at nanginginain sa mga kapwa nitong infected pero mukang na attract ito ng ingay ng barilan at mga pasabog.

Ilang taon na nang una silang makasagupa ng ganitong infected. Kalahati sa grupo ng mga militia ang namatay at karamihan ay sugatan nang matapos ang labanan. Siguradong titirisin lang nito ng grupo nila Zed kapag naabutan sila, kaylangang may gawing paraan.

Bigla naman nyang  nakita ang mga tanke at humvee's na may machine guns sa tukok na mabilis ang pagtakbo nila papunta sa likuran ng grupo. Sumunod ang tangke na lulan ang heneral sa itaas nito.

Babalik sila para sagupain ang halimaw.

“Zed!” tawag sa kanya ng Heneral. Nagulat syang kilala pala sya nito “Ikaw na ang bahalang manguna sa grupong ito” ang mga titig ng Heneral, seryoso at may kumpynasa na magagawa nya ang atas

Yun lang ang binilin nya sa kanya at nagsumula nang samahan ang iba pang papasugod sa halimaw. “Harangan ang halimaw na yan, wag nyong hahayaang makalapit sa mga sibilyan!” sigaw pa nya pero malayo na sila sa grupo.

Gustong tumutol ni Zed, oo naging kapitan na sya, ng apat na sundalo, pero ng libo libong milita at sibilyan? Hindi sya sigurado kung kaya nya. Napatingin sya sa mga kasama, kila Dan at Marco at nakatingin din sila sa kanya at ang iba pa, marahil ay naghihintay ng orders mula sa bago nilang pinuno.

Huminga si Zed ng malalim “Okay, let’s move out! Bibigyan tayo ng heneral ng oras para makalayo at di natin sasayangin ang sakripisyo nya!” sigaw ni Zed at pinangunahan ang pagtakas ng grupo. Saglit syang lumingon sa likuran , nakita nyang naghagis ng malaking container ang mga sundalo sabay pinaputok, isang dambuhalang meatbomb. Tumapon ito sa paanan at binti ng Gargantuan at ang malalapit na infected sa lugar ay nagsimulang pag pyestahan ang ibabang bahagi ng higante habang ang mga sundalo ay patuloy din sa pagpapaputok sa kanya.

Di pa sila nakakalayo ay nagka problema na, ang malawak na daan ay nabarahan ng sandamukal na kotse sa gitna ng daan. Hindi rito makakatawid ang mga trucks na naglululan ng mga mahihinang sibilyan at ng kanilang mga supplies. Wala silang pagpipiliian kundi lumiko at humanap ng ibang ruta. Dahil dito ay di na nakita pa ni Zed kung ano ang nangyayari sa mga kasamahang nagpaiwan pero rinig parin nya sa malayo ang mga putukan at ang pag sigaw ng halimaw.

Sa unahan ay may nakita silang bridge patawid sa ilog at sa unahan noon ay isang road tunnel. Alam ni Zed ang lugar na yon, ang kabilang dulo non ay nasa bungad na ng pier, at magsisilbi pang harang ang tunnel sa mga infected.

Biglang may malakas na sigawan ng mga screamer sa di kalayuan, nabaril ito nila Zed pero huli na, at narinig na nila sa malayo ang ugong ng mga infected na natawag ng screamer, papalapit na sa kanila. Di na rin naririnig ni Zed ang mga putukan sa kalayuan. Naisip nyang na wipeout na ang team A at B. di na lang nya pinagisipan iyon dahil naaalala nyang nandoon sila Elise at Rico.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon