Day 8: Shattered Silence

351 23 2
                                    

(PREVIOUSLY....)

Unti unting lumalapit ang kamay ng higanteng nakahawak kay Zed sa bibig ng halimaw, nabunot pa ni Zed ng combat knife at desperadong pinagsasaksak ang daliri nito pero walang epekto, mahigit isang metro na lang ang layo ni Zed sa bibig ng halimaw nang makarinig sya ng tunog mula sa gumuhong tunnel, parang isang rocket na pinkawalan, at bigla na lang sumabog ang braso ng halimaw, umungol ito sa sakit at nabitawan si Zed.

Saglit syang napatingin kung saan nagmula ang rocket at nakita si Dan, na puro dugo ang bibig at nadadaganan parin ng mga bato ang kalahating katawan nito. Agad din nitong binitawan ang hawak na rocket launcher at bumulagta. Iniligtas sya sa huling hininga nito.

Tumalbog talbog ang katawan ni Zed sa katawan ng halimaw at bumagsak sa ilog. Pero tumama ang katawan nya sa isang malaking debring kahoy na nagpapalutang lutang sa ilog. Tinangay sya nito, papalayo.

Walang kalakas lakas ang katawan ni Zed para igalaw kahit ang isang daliri nya, papapikit na si Zed, nang marinig nya ang malaks na busina ng mga cruise ship na papaalis na sa pang pang.

- - -

(CONTINUATION....)

Umuuga at lumulundo ang paligid, pakiramdam ni Zed ay nakasakay sya sa isang barko. Naririnig din nya ang tunog ng ragasa ng tubig. Pero alam nyang nyang hindi naman sya nasa barko, alam nyang naiwan sila nito.

Nakasabit ang katawan nya sa ibabaw ng isang malaking troso na tinatangay ng agos ng ilog. Basa at nilalamig, matindi ang pangiginig ang katawan ni Zed. Dapit hapon na at habang nakatagilid ang paningin ay nakikita nya ang mamula mulang kalangitan ng papalubog na araw.

May nakita syang kung anong tumatakbo sa tabi ni ilog, parang isang tao, pero napansin ni Zed ang kakaibang bilis nito at hindi rin pang tao ang tindig nito, di nya masyadong makita dahil mahina na ang liwanag. Sinusundan sya nito.

Nabigla si Zed ng tumalon ito sa tubig patungo sa isang lumulutang din na debri, doon nya nalamang hindi nga ito ordinaryong tao dahil di pangkaraniwan ang taas ng talon nito,  nagpatalon talon pa ito palipat lipat at papalapit sa kanya.

“Leaper?” hula ni Zed pero masyado matipuno ang katwan nito kumpara sa payat na leaper at hindi rin nito gusto sa tubig. Tinangkang gumalaw ni Zed pero nanakit lang lalo ang mga sugat bali baling buto nya.

Tumalon ang nilalang sa trosong kinalalagyan nya, itim na hugis ng katawan lang ang nakikita nya dahil nanlalabo pa ang mga mata at nakatindig ito sa harap ng sinag ng araw. Sabay binitbit sya nang walang kahirap hirap, nagtatalon uli sya dala si Zed, parang masusuka sya tuwing umaangat sila sa ere, at  ibinagsak sya sa lupa sa tabi ng ilog. Nakita pa nya ang mapupula nitong mata bago tumakbo at naglaho. Hinang hina, muling nagdilim ang paningin ni Zed at nawalan ng malay.

'

'

Di akalain ni Zed na muli pa nyang maimumulat ang mga mata, pero pagkadilat ay una nya agad nakita ang puting kisame, napatingin sya sa kaliwa at nasilaw ang mata sa maliwanag sa sikat ng araw na galing sa bintana. Pinang takip nya ang braso nya sa liwanag at nakita itong puno ng benda at suero. Tiningnan nya ang sarili at paligid, iba na ang suot nyang damit, pang tulog, at nakahiga sya sa kama sa loob ng isang kwarto. Nang mapatingin sa kanan, nagulat sya nang may makitang babae, nakaupo sa tabi ng higaan nya, nakapatong ang ulo at braso nito sa higaan nya at natutulog.

Naalimpungatan ang babae, umangat ang ulo at tinignan sya. Blonde ang buhok nitong haggang balikat, mistisa at bilog ang asul na mga mata.

“Gising kana pala” bati nito kay Zed sabay ngiti.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon