DAY 3: Run Like Hell!

496 32 15
                                    

(PREVIOUSLY.....)

Sa kabilang kalye, sa pagitan nila at nag theme park ay may isang Television store. Sa tapat noon ay namumutiktik ang sandamukal na mga infected.

Para silang nagwewelga sa haapan ng tindahan. Punog puno ang kalasadang nasa tapat lamang ng theme park. Naatrract kasi sila sa tunog ng naiwang nakabukas na telebisyon sa loob nito.

"Oh Sh-@#$&-t!" ani Dan. kita rin ang pagkadismaya sa muka ng iba pa.

"Cap, anong gagawin natin?" ani Rico na nagkakamot ng ulo.

Huminga nang malalim si Zed bago tuminign sa kanilang apat. Alam agad ng kanyang mga kasama na hindi ito magandang balita.

"Anu pa nga ba" ani Zed sabay kasa ng kanyang pistol

"Were going to crash that party"

- - -

(CONTINUATION.....)

"Baka pwede tayong umikot at dumaan na lang sa backgate ng theme park" ani Elise

"Wala nang oras. Kating kating umalis ang mga iyon at hindi nila tayo hihintayin kahit mahuli lang tayo ng isang minuto." ani Zed. Kung tatakbuhin naman nilang limaa imposibleg hindi sila makita ng mga ito at sa dami ng mga infected, siguradong  di nila ito matatakasan.

Nagmasid sya sa paligid. Di kalayuan sa T.V. store ay nakita ni Zed na mayroon namang appiances repair shop at isang lumang pick-up truck sa tabi nito na mukang iisa lang ang may-ari.

Nag huddle ang lima upang pagusapan ang naisip nyang plano. Sinabi nya sa kanila ang kanyang ideya at pumayag naman ang lahat.

"Lets go, lets go!" ani Zed at ginawa ang kani kanilang task.

Si Rico at Elise ay umakyat sa kalapit na gusali gamit ang fire exit, si Randy at Dan ay papunta sa kalapit na Appliances Repair Shop habang si Zed ay magisang papasukin ang T.V. Store.

- - -

[Dan and Randy...]

"Simple lang ang plano Randy, akong bahala sa driving, ikaw sa sound system okay?" ani Dan. Tumango lang ang di palaimik nyang kasama.

Sinimulan nang suriin ni Dan ang pick-up truck habang si Randy ay naghahanap ng baterya ng sasakyan, amplifyer at malalaking speakers.

- - -

[Rico and Elise.....]

"Handa kana ba Recruit?" pagbibiro ni Elise kay Rico na syang pinaka bagong myembro ng grupo"

"Im always ready" confident na sabi nito na may kasama pang kindat habang inaasemble ang kanilang sniper rifle.

"Ayos. were going to kill lots of zombie bitches"

- - -

[Zed.....]

Gamit ang bolt cutter pliers ay pinutol ni Zed ang chainlink fence sa likuran ng tindahan. Gumawa ng maliit na pa kwadradong butas.

Mabilis at tahimik, napasok nya agad ang likurang bakuran ng di namamalaya ng mga infecteed doon.

Papaharap pa lang sa kanya ang mga infected ay bumubulagta na ito sa isang patama ng baril sa ulo. Isa isa silang nagtumbahan na halos walang ingay na maririnig at sinaksak sa ulo ang huling infected na nakatalikod sa kanya.

Sa labas pa lang naririnig nya na ng bahagya ang ingay ng  telebisyon. Static lamang sapagkat wala nang nag bo broadcast ng signal maliban sa pribadong frequencies.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon