Day 10: Dying Wish

336 23 5
                                    

(PREVIOUSLY....)

Ano ba ang pwede nyang sabihin sa kanya, na magiging mayos ang lahat? Lolokohin nya lang ang sarili sa pagsasabi ng ganoon.

Humigpit din ang pagkakahawak ni clarisse sa kamay nya. Napatingin sya kay Zed na may lumuluhang mga mata. Di na nito napigilang lumuha at umiyak. Inakap nya si Zed at humagulgol sa dibdib nito, niyakap nya rin ito habang marahang tinatapik ang likuran. Nababasa na ng luha ni Clarisse ang damit nya.

Napatingin sila sa naninilaw na kalangintan nang makita nila ang pag sikat ng bagong araw, isang araw nanaman ang lumipas, isang araw na puno ng pag danak ng dugo.

Isang araw na puno ng kamatayan.

- - -

(CONTINUATION....)

Magtatanghali na at patuloy parin ang biyahe papalayo sa kampo. Sa ngayon ang tungunhin nila ay makalayo muna roon ng madali, pagkat maaari silang maipit ng mga infected horde o iba pang mutated na gumagala sa malapit dahil maaaring maka attract pa ng mas maraming infected ang ingay at sunog na nangyyari sa kampo.

mabato at maalikabok ang daan pagkat hindi ito sementado. Kapatagan naman ang nasa paligid na may mabababang damo, sa malayo ay makikita ang nagtataasang mga burol at bundok at ang kalangitan ay bahagyang makulimlim.  Sa lugar na ito, malayo pa lang ay makikita mo na kung may panganib ngunit kung ikaw naman ang hinahabol ay hindi ka rin madaling makakatakas.

Presko pa ang hangin at ini enjoy ito ni Zed mula sa likuran ng truck. Hindi lang sya mapakali dahil may isang babaeng natutulog na nakasandal sa kanyang dib-dib, si Clarisse. Buong gabi itong gising at umiiyak hanggang sa makatulog na lang ito sa mga bisig nya, nakasuot parin sa leeg nya ang kwintas na bigay ni Zed, di nya sigurado kung napansin nya na ba ang bagay na yon sa leeg nya. Hindi nya na ginising si Clarisse para makapag  pahinga ang katawan at lalo na ang isip nito.

Si Benny ay tahimik na nakaupo lang sa front seat, di rin sya mapalagay at mayat mayang tumitingin sa kanyang katabi, si Bill na naninigarilyo parin, tahimik lang ito at relaxed at nakapatong pa ang isang braso sa bintana ng sasakyan.

Maya maya pa ay may natanaw silang mga establishment sa malayo, Isang stop-over.

"Pwede na dito" ani Bill. matapos ang mahabang biyahe, kaylangan na nila ng lugar na mapapagpahingahan at kaylangan ding mag scavange ng pagkain. Marahang ginising ni Zed si Clarisse, agad naman nitong nilayo ang sarili kay Zed at sinimulang ayusin ang buhok nang matantong natutulog sya sa dibdib nito.

Para makasiguro ay ipinark nila ang kotse ilang metro ang layo roon, at nagmasid. Matagal tagal din silang nag hintay, nang wala silang makitang gumagalang infected ay bumaba na sila at lumapit.

Una nilang nakita ang isang gasoline station, kinakalawang na ang mga fuel booth at tuyot na ang drum ng tubig. Mayroon ding mini store pero nakababa ang mga shutter, sa di kaalyuan ay may vulcanizing shop, car wash at repair na mukang abandonado na rin, may mangilan ngilan ding maliliit na sementadong bahay na malang ay sa mga may ari ng establishment, o dating may ari nito.

Bukod sa makapal na alikabok sa mga bagay at gusali rito ay mukang maayos naman ang lahat, ngunit hindi mo masasabing ligtas ito haggat di mo nasusuri ang loob.

"Tiitignan ko kung may gasolina pa at tubig na makukuha sa gripo" ani Benny. yun ang unang beses na nagsalita sya na may katamlayan, si Bill naman ay papunta sa car rapair shop, di nya sinabi kung bakit. Si Zed ay papunta sa Grocery store at sumama sa kanya si Clarisse.

Naka lock ng pinto, kayang sirain ito ni Zed ng baril nya pero lilikha ito ng ingay.

"May card ka?" tanong ni Clarisse

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon