DAY 14: Red Princess

271 13 3
                                    

(PREVIOUSLY....)

Sa umpisa ay normal activities lang ang nangyayari ngunit ang simpleng puting ilaw ay naging pula na nag bi blink na parang ilaw ng sasakyan ng pulis, maririnig mo rin ang mga tunog at boses sa mga footage at rinig sa background ang malakas na tunog ng siren, may mga T.V. screens sa bawat lab at nakita nilang lumitaw sa monitor ang muka ng isang muka ng babae, na mukang teenager lamang, blonde na medyo kulot ang buhok na may pulang mga mata at may pagka pula rin ang complexion ng balat nito na parang namumula ang buo nyang muka,  kayat pi nause muna ni Alfred ang ibang footage at pinakinggan ang sinasabi ng babae.

"Ang Red Princess..." ani Alfred na parang nakakita ng multo

"WARNING! WARNING!" sabi ng tinig nitong mala recorded at walang buhay tulad ng walag ka rea reaksyon nitong muka "Subject A245 has escaped! Contingency protocol will be initialized"

- - -

(CONTINUATION....)

Kasalukuyan nilang pinapanood ang recordings ng mga CCTV camera. Kita nila Zed kung paanong lahat ng ilaw sa buong pasilidad ay maging pula, automatikong nagsasara ang mga pinto at nala lock, kinukulong kung sino man ang nasa loob ng kwartong iyon habang paulit ulit na sinasabi ng Red Princess na "Contingency protocol shall be initialized" na parang sirang plaka.

Tinitignan ni Zed ang tinatawag na subject A245. Nangatog sya sa pakiramdam na parang namumukaan nya ang halimaw na yon, hanggang sa masaktuhan nito ang magandang anggulo at makita ni Zed ang buong harapan nito. Nanlaki ang mata nya at napaatras sa pagkagulat. Di rin iyon nagtagal at napalitan ng matinding galit at napahawak si Zed sa pendant ng kanyang kwintas. Pagkat ang halimaw na kanyang nakita sa camera ay ang halimaw din na nanloob noon ng kanilang bahay at pumatay sa kanyang nanay at kapatid na babae. Malaki ang hubog ng katawan nito na hindi mo na makita ang leeg, pulang mata, mala berde at parang balat ng buwaya ang balat nito sa buong katawan. Parang sa leon ang mga pangil at mas malalaki pa sa oso ang mga galamay sa mga kamay at paa nito.

Di sya maaaring magkamali, ang dahil kita nya ang tapyas sa isa sa mga galamay ng halimaw dahil sya ang pumutol non at ang kaputol ay ginawa nyang pendant ng kanyang kwintas. Pero sa kabila nito ay pinigil ni Zed ang kanyang sarili at di nagpahalata sa mga kasamahan. Nangangamba syang maging priority nya ang personal na matibo at makalimutan ang totoo nyang pakay at iyon ay iligtas si Rico at ang iba pa nyang mga kasamahan pagkatapos ay pasabugin ang Avalon laboratory facility.

Pinagmasadan nya na lang mga mga recorded video feed. Nakita nya sa isang kwarto ang malalaki at hele helerang glass cylinders na kasya ang isang tao sa loob, may kung anong likido sa loob nito ngunit madlim ang kwarto at malabo ang tubig para malaman kung may lamang tao ba ang mga ito, ang isa rito ay nabasag at natapon ang mala berdeng likido sa loob. Suspetcha nilang doon galing ang Subject A245.

Naglakad ito papunta sa control panel. Maya maya pa ay mas ikinagulat nila ang sumunod nitong ginawa, pumindot ito ng isa sa mga button ng panel. Nagkataon lamang kayang nasagga ito ng malalaki nyang galamay? Pero sumunod ay hinawakan nya ang katabing lever nito at hinilang pababa. Doon nila napagtanto na hindi ito nagkataon lang, pagkat ang evolved infected na ito ay may intelligence.

Nagkaroon ng ilaw sa buong pasilidad at nakita ni Zed kung gaano kalaki ang kwarto at ang dami ng glass cylinder dito. Muling pumindot ng buton ang halimaw at nagsimula namang ma drain ang lamang likido ng mga glass cylinders.

Nagulantang ang grupo nila nang makita ang mga tao sa loob ng mga cylinders na lumulutang sa mala berdeng likido, mistulang natutulog ang mga walang saplot na tao at nakadikit sa kanilang katawan ang kung anu anong mga tubo. Nagiging mala berde na rin ang katawan ng iba, ang ibay nangingitim at parang naaagnas na ang katawan, pababa sila ng pababa habang nauubos ang berdeng tubig. Mukang sila ang sinasabi ni ni Alfred na mga human test subjects.

DevolutionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon