Overnight (The truth)
Adrianne's POV:
Grabe ang ginawa kanina ni Kaizer. Pati ako kinabahan kasi baka tanungin na niya si Hyuriko. Siguro nakakahalata narin siya.
"Wala ng fries?" Nakapout na tanong ni Sam.
"Ubos na eh..." Sabay peace sign ni Xiam.
"Kumuha ka sa baba." Seryosong sabi ni Marco. Pfft. Haha!
"Hmp. Hyuriko oh! Inaaway ako!" Aba. Nagsumbong pa talaga.
Tinignan lang siya ni Hyuriko at pinaningkitan ng mata. Inubos na namin ang pagkain namin at bumalik na sa pool.
"Dito na kaya tayo mag movie marathon?" Tanong naman ni Alex samin.
"Asan ang TV?" Tanong ni Hyuriko.
Nginuso naman ni Alex ang TV sa may mini bar nila. Nag-nod naman sila at umahon muna si Alex.
"What do you want to watch?" Inilabas niya ang dalawang disk.
"The Nun? Or Revengers Squad?" Tumaas naman ng kamay si Sam.
"Mas maganda yang The Nun!"
"Ayoko niyan!" Sigaw ni Hyuriko na nagpatigil samin at tinignan siya.
"Bakit?" Tanong ni Cindy.
"T-takot ako sa madre dyan!" Halos pabulong niyang sabi.
Lumapit ako sakanya at tinignan.
"Di kana man kakainin niyan eh." Natatawa kong sabi.
"P-pe-pero..." halos mautal niyang sabi.
"Sige na....pumayag kana Hyuriko please." Sabay puppy eyes ni Sam.
"Boo."
"AHHHHHHHHHHH!" Sigaw ni Hyuriko dahil sa gulat. Si Raven kasi bigla nalang sumusulpot kung saan.
"SIGE NA PAPAYAG NAKO!" Napapalakpak naman sila at kami ni Kaizer eh nagkatinginan.
Pursigido siyang malaman kung straight ba to si Hyuriko o hindi. Ewan ko ba, pero gusto ko ring malaman.
"Dito nalang ako sa tabi mo." Sabi ko sakanya at ngumiti naman ito sakin.
Napatitig ako sandali kay Hyuriko, ang ganda ng mukha niya, ang amo tingnan, ang ganda ng mata at ilong. Pati ang labi niya.
Shit ano ba ang iniisip ko. Nagsimula na kaming maunod at isinisiksik niya ang sarili niya sakin.
"Why? Wala pa nga tayo sa kalagitnaan eh." Nilingon ko siya at nginitian.
Inangkla niya ang kamay niya sakin, siguro kapag natatakot siya ganito siya. Pero sa palagay ko, kumportable sa lagay namin si Hyuriko.
"Woah...." Rinig kong bulong ni Sam.
Ng biglang...
"KYAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Napangiwi ako dahil sa sumigaw. Napalingon naman kaming lahat sakanya at nakasiksik na siya sa braso ko.
Tumili kasi ng parang babae si Hyuriko. And this is sign no. 3. Tinignan naman ako ni Kaizer at nagkibit balikat nalang.
Niyakap ko nalang siya.
"Okay na, wala na." Tinanggal niya ang ulo niya sa braso ko at tinignan ko siya.
Nagba-blush. Hahaha! Parang babae eh.
BINABASA MO ANG
High School Lovers (BoyXBoy)
أدب المراهقينAbout LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.