Other side
Hyuriko's POV:
Papunta ako sa rooftop ng building namin. Sabi kasi ni Sam andun daw si Kaizer.
"Kokonyatan talaga kita.." inis kong sabi sa sarili.
2nd subject ngayon pero pinayagan kami ni Sir Cyrus na maglinis ng room. I arrived at the rooftop and walked silently.
Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong nakaupo sa isang lumang bench. Si Kaizer na yun. Nilapitan ko siya at di naman ito nagmamalay.
Hihihihi.
"Boo."
"THE HELL!?" Halatang nagulat ito at inis akong tiningnan.
"Hahahaha! Sorry!" At nag-peace sign ako sakanya.
"Tss." Ay? Sungit ahh. Tumabi ako sakanya at pinagmasdan siya.
"Wag mokong titigan baka ako matunaw." Humarap siya sakin ng nakangisi.
Aba-aba. Tinititigan daw?!
"Tinititigan nga ba? Kapal mo!" Sabay irap ko sakanya.
"Totoo naman ah. Sinasamantala mo kasi akala mo nakapikit talaga ako." Binatukan ko siya. Akala mo huh.
"Ah talaga, salamat nga pala kanina! Ako yung pinagpaliwanag mo ng mga rules, plans and punishments natin sa harap! Eh kinakabahan ako kanina, ikaw yung President pero wala ka. Hinihintay kita kanina, pero akala ko dadating ka. Hindi pala." Sabay tingin sa malayo.
Natawa naman siya ng mahina kaya lumingon ako sakanya. Bwisit na to.
"Sorry naman. Di ako pumasok kanina kasi wala si Sir Fred. So napag-isipan ko na mas maigi pang tumambay nalang dito." Ngumiti pa siya sakin. Akala mo nakakatuwa.
"Saka, i was testing you. If you are responsible even without me." Tumingin nalang ulit siya sa kawalan.
"Pero sobrang salamat." May halong inis sa sinabi ko.
Tumayo na siya at hinatak ang braso ko at naglakad na kami.
"Bitawan moko ano ba? San ba tayo pupunta?!" Isa nalang talaga kokonyatan ko ulit to.
"Gutom ka lang. Lilibre na kita." Sus. Mga paandar mo. Pero sige go lang ako.
"Okay!" Masigla kong sagot.
Nakarating na kami sa cafeteria at umorder si Kaizer ng napakaraming pagkain.
"SERIOUSLY?!" Di ko makapaniwalang tanong. Sobra, ang dami talaga. Di ko alam kung sino ang kakain nito.
"Eat. Para satin to. Alangan namang sayo lang." Natatawa niyang sagot.
Kumain nalang ako at ganun siya. Maya-maya nakaramdam ako ng tao sa likod ko pero di ko ito nilingon.
"Look who's here..." sa tono palang ng boses niya alam ko na kung sino siya.
"Ay, isnabera. Akala mo maganda." Sabi pa ng kasama niya.
Nakatingin ng seryoso si Kaizer sakanya at mamaya binaling ang tingin sakin.
"I got this..." i mouthed to him.
Tumayo ako at hinarap silang tatlo.
"Is there any problem?" Masigla kong tanong sakanila.
BINABASA MO ANG
High School Lovers (BoyXBoy)
Teen FictionAbout LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.