Meet the 'B*tch'
Hyuriko's POV:
"Sino hinihintay mo?" Tanong ko sakanya.
"Diba sabi mo 'wait lang'?"
"Di ko naman sinabi na maghintay ka eh." Napakamot nalang ako sa batok ko. Nakakahiya naghintay pa naman siya.
"Tss." Sungit eh.
"Ahm, thank you." Naglakad na siya at sumunod naman ako.
'Diba yan yung cute guy?!'
'Gosh! Si Kaizer at si Mr. Cute!'
'Kyahh! Mga kuya! Papic!'
Ayoko ng ganito eh. Hehe. Nakakahiya. Nakarating kami sa cafeteria at nakita ko sila Cindy.
"HYURIKOOOO! HALIKA DITO!" Kumaway sakin si Sam na puno ang bunganga. Paltok na naman siya kay Allan. Hahaha!
Lumapit kami sakanila at naupo ako katabi si Sam. Katapat ko naman si Kaizer na katabi si Adrianne.
"Bat nahuli kayo?" Tanong ni Cindy at sumubo siya ng Fries.
"Naiwan ko kasi wallet ko, tas... hinintay pala ako ni Kaizer."
"Eto na yung pagkain niyo oh, kami na umorder niyan." Sabay abot ni Alex samin ng burger at fries.
Inabot ko naman kay Kaizer yung sakanya. Nagkwentuhan pa kami at nagtawanan. Si Kaizer naman ay focus lang sa pagkain. Weird.
"Masaya ba sa dating school mo?" Tanong sakin ni Alex.
"Oo naman. Mahirap lang nga ako maka-adopt sa mga students dun, unlike dito." Napangiti naman sila pati si Raven, except kay Kaizer na nakatingin lang sakin.
Sandaling katahimikan...weird sila minsan eh. Haha!
"Ahm, Hyuriko?" Tinignan ko naman si Sam.
"Ayaw mo ba ng fries?" Napatingin ako sa fries ko at wala pa itong bawas.
Gusto ko kaso naglalaway si Sam. Hahaha!
"Sayo nalang, baka kagatin moko eh. Hahaha!" Pagbibiro ko. Napatawa naman sila.
"Punasan mo nga yang laway mo Sam! Nagmumukha kang may rabies jan eh!" Sita naman ni Allan.
"Eh kasi naman eh!" Sabay subo naman ni Sam ng fries. Bata talaga. Haha!
*Ringggggggggg*
3rd subject na. Inubos na namin ang pagkain namin at naglakad na pabalik ng room. Pero sa di ko sinasadyang pangyayari, may nabunggo ako.
"WHAT THE HELL?!" sigaw sakin ng nabunggo ko.
Akala ko babae pero...gay pala.
"Sorry." Nakayuko kong sabi. Pinagtitinginan na kami dito. Lumapit na rin sila Cindy sakin.
"ARGH! YOU RUINED MY UNIFORM! JUST LOOK AT IT!" Galit na sigaw nito sakin.
Tinignan ko naman ang uniform niya at nabuhos sakanya ang Coke na iniinom niya.
"Don't you understand the word sorry?" Mahinahon kong tanong sakanya pero may halong inis. Ayoko magsimula ng gulo pero sinisimulan niyang bwisitin ako.
Tinignan ko siya sa mata at nakikita ko ang inis niya dun.
"Sissy? Sinagot ka oh." Nakasmirk na sabi ng isa. Yung makapal ang make-up, na parang clown na. May pasunflower pa siya mukhang paso. Tsk.
BINABASA MO ANG
High School Lovers (BoyXBoy)
Teen FictionAbout LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.