Mall.
Hyuriko's POV:
*beeeeeeppppp *beeeeeeppppp
Nagising ako dahil sa isang ingay, medyo nakapikit pa ang mata ko at puro puti ang nakikita ko.
*beeeeeeeppp *beeeeeeppppp
Andyan na naman yung tunog nayan. Bat puro puti ang nasa paligid ko?! Nasa langit naba ako?! Tumayo agad ako sa higaan at...
"Jusko, umaga na pala." Napaface palm nalang ako dahil sa pagkaOA ko.
"Sir..."
"Ay puting palaka!" Nakita ko ang isang maid na nasa may pinto.
"Andyan po yung mga classmates niyo sa labas..." Nanlaki naman ang mata ko at tumingin sa orasan.
What the...9am na pala!
"Pa-pakisabi naman sakanila na hintay lang!" Bumaba na ang maid at tumakbo ako papuntang banyo.
Buti nalang eh naimpake ko na ang mga dadalhin ko kila Alex. Nasa bag nayun at unan nalang ang dadalhin ko.
Nakapagpaalam na din ako kila mommy at okay lang daw. Pati rin sa maids, sila na ang bahala dito. Nagdala na nga ako ng extrang damit kasi baka may plano pa sila sa Linggo.
Natapos na ako at nagbihis. Isang ripped jeans at black na tshirt ang suot ko at white na sapatos. Kinuha ko ang bag ko at chineck ito...ulit.
"Pajamas, check. Tshirts, check. Charger, check." Lahat ng kailangan ko nasa bag na.
Isang sling bag lang ang dinala ko para lagyan ng phone ko, headset at wallet ko. Kinuha ko na ang mga gamit ko at bumaba na.
"Kayo na po ang bahala dito ahh! Babye po!"
Pagkalabas ko sa bahay eh nakita ko ang isang puting van. Bumukas ang pinto nito at nakita ko si Sam.
"Ang tagal ah." Sabi nito habang nakasmirk.
"Sorry naman!" Inirapan niya lang ako. Babae eh. Hahaha!
"Amin na yang gamit mo." Kinuha naman ni Adrianne at Marco ang gamit ko.
"Halika na Hyuriko! Dito ka ohh!" Sabay turo ni Cindy sa bakanteng upuan katabi si Kaizer.
"Kaninong sasakyan to?" Tanong ko habang papalapit sa upuan katabi ni Kaizer.
"Kay Alex." Inis na sagot ni Sam.
Pinalo ko naman siya sa braso at tinignan ako ng masama.
"What was that for?!"
"Bahala ka! Di kita ililibre ng ice cream!" Ngumiti naman ito ng malapad.
"Sorry, hehe. Di na mauulit!" Sabay peace sign at nguso.
Naupo na ako sa tabi ni Kaizer at di ko sinasadyang matungtungan ang sapatos niya.
"Aw!"
"Sorry..."
"Tsk."
Sungit talaga eh.
"Okay na! Halika naaaa!"
Sigaw ni Adrianne at pumasok na sila ni Marco.
"Kuya sa bahay na muna." Tinignan kami ni Alex at ngumiti ito samin.
"YIEEEEEEEEAHHHHHHH!" Tili nito na nagpangiwi naman samin.
BINABASA MO ANG
High School Lovers (BoyXBoy)
Teen FictionAbout LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.