Unexpected
Hyuriko's POV:
Nakarating na kami sa bahay nila Kaizer. Buti nalang may google map ako, nahanap ko ang bahay nila.
Pinark ko ang kotse sa labas at lumabas may guard naman na sumalubong sakin.
"Sir? Asan po si Master Kaizer?" Tanong ng guard sakin.
"Lasing po Kuya, classmate niya po ako." Tumango naman siya.
"Bawal pa naman yan maglasing si Master." Dismayadong sabi nito.
"Halika na Kuya, dalhin na natin siya sa loob." Utos ko. Binaba na namin si Kaizer at iniwan muna ang mga dala ko sa kotse pati ang bike ko.
Binuhat na namin si Kaizer at ipinasok sa loob. His house was glamorous. Ang ganda ang elegante. Napakalaki rin.
Naglakad kami sa staircase at buti nalang nakarating na kami sa kwarto ni Kaizer. Inihiga na ni Kuyang guard si Kaizer sa kama.
"Salamat po Kuya, ako nalang po ang bahala sakanya." Nginitian ko naman ito at umalis na.
Nilapitan ko ito at mukhang natutulog. Hinimas ko ang buhok niya at pinagmasdan.
"Hihingi lang ako ng bimpo at tubig sa baba." Para akong baliw dito. Kinakausap siyang tulog.
Lumabas muna ako ng kwarto. Napansin ko rin na Hallway ang dinaanan namin. Isang mahabang hallway at puro kwarto. Kay Kaizer ang naiibang pinto, puro regular na pinto lang ang nasa iba.
Puro pictures din ang hallway, family pictures, paintings at madami pa. Nakita ko naman na may solo picture si Kaizer. Pinagmasdan ko naman ito.
"Ang pogi mo talaga..." bulong ko.
Bumaba na ako sa staircase at napansin ang sala. Ang ganda. Isang mamahaling chandelier ang nasa gitna, mamahaling sofa and even television.
"Sir? Sino po kayo?" Nagulat naman ako ng may nagsalita. Maid lang pala nila Kaizer.
"Classmate po ako ni Kaizer..." Ngumiti naman ito.
"Asan po si Master? Ano pong kailangan niyo?" Nag-aalalang tanong nito.
"Nasa kwarto po niya, lasing. Ewan ko kung sino po ang nakainuman nun. Pwede pong makahingi ng bimpo saka tubig?" Tumango-tango naman ito.
"Ganun ba, magagalit na naman ang Kuya niyan kapag nalamang naglasing na naman yan. Sige po iaaabot ko nalang po sainyo." Bumalik na ito sa kusina at ako naman ay bumalik na sa kwarto ni Kaizer.
Napansin kong parang may tumatawag sakin at meron nga.
"Hello? Hyuriko? Asan kana? Jusko anong oras na!" Si kuya Jeff lang pala.
"Andito ako kila Kaizer kuya, lasing siya. Nakita ko siya sa 7/11 nag-iisa lang dun. Kaya naman hinatid ko na dito." Narinig ko naman ang pagkamot ng batok niya. Siguro nasugat nayun.
"Edi dyan kana matutulog?" Tanong nito. Di ako nakasagot. San ba?
"Dyan kana matulog. Basta umaga umuwi ka rin at may pasok tayo." Mahinahong sabi nito.
"Sige Kuya. Bye." Pinatay ko na ang tawag at nilagay ang phone sa table.
Walang mag-aasikaso kay Kaizer, kawawa naman. Ang mga maid nila busy naman sa gawaing bahay. Napansin ko ring 9pm na pala.
BINABASA MO ANG
High School Lovers (BoyXBoy)
Teen FictionAbout LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.