Impression
Hyuriko's POV:
Natapos na ang 4rth subject namin. Nag-aayos ako ng bag nang may biglang lumapit sakin.
"Hyuriko? Right?" Tanong nito sakin. Kateam ko pala sa volleyball. Tumango lang ako.
"Punta daw po tayo sa gymnasium." Sabi nito.
"Bakit daw po?" Ano naman gagawin namin dun?
"Okay na daw po yung uniform tas may ibibigay na mga volleyball supplies. Then maglalaro daw po tayo." Ahhhh kaya pala. Marunong pa kaya ako? Hahaha!
"O sige, susunod ako." Ngumiti ito at umalis na.
Maya-maya lumapit si Sam sakin.
"Pupunta ka din ng gymnasium Hyuriko?" He asked.
"Yup. Bakit?" Napakamot siya ng batok.
"Oo din eh, lahat ng sports ngayong araw magtetraining. Paghahandaan kasi yung Zone Meet." Sinarado ko na muna ang bag ko at hinarap ulit siya.
"Sige sabay na tayo." Kinuha ko na ang bag ko at tumayo na.
"San kayo pupunta?" Tanong ni Xiam.
"Sa gymnasium." Sagot ko, lumapit naman si Marco.
"Anong gagawin niyo dun? Sino kasama mo?" Hys. Daming tanong. Hahaha!
"Magtetraining kami ni Sam." Maya-maya lumapit naman si Cindy at Alex.
"Pwede ba kaming sumama?!" Sabay na tanong nito.
"Bahala kayo." Hinanap ko naman si Sam at yung dalawa? Sabay tumili.
"Halika na Hyuriko..." inangkla niya ang braso niya sakin.
Nakasalubong naman namin si Kaizer at Allan.
"San punta niyo?" Tanong ni Allan na puno ang bunganga ng pagkain.
"Sa gym." Nakakapagod sumagot ha!
"Bro, sama tayo." Tumango lang si Kaizer at tinignan ako. Nginitian ko naman siya.
"Guys."
"WAHHH!" Nagulat kaming lahat kung sino ang nagsalita. Si Raven lang pala. Di kasi namin siya nakita kanina.
"Bigla kana lang sumusulpot eh." Sabi ko.
"Sorry. Sama ako." Nagkibit balikat nalang kami at pumunta na sa gymnasium.
Nakarating na kami dun at naupo na silang lahat sa bleachers malapit sa volleyball court. Nilapag ko naman ang bag ko at lumapit na kila Coach. Buti nalang sa court lang nagmemeeting.
"Oh, Mr. Zy come here." Pinalapit niya ako sa mga kateam ko.
"Sorry coach i'm late." Ngumiti lang ito.
"Siguro alam niyo naman ang mga rules sa volleyball diba?" Tumango tango naman kami.
"Alam niyo rin kung anong formation. Kung saan pupunta ang setter, hitters and blockers. Alam niyo?" Another tango na naman. Sakit sa ulo bes.
"Good. And by the way, eto na pala ang uniform niyo..." kinuha niya ang isang jersey na kulay purple with white. Which is sakin at pinakita sa team.
BINABASA MO ANG
High School Lovers (BoyXBoy)
Genç KurguAbout LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.