Late night Convo.
"Kuya Jeff tapos kana ba jan?" Sigaw ko sa labas ng banyo. Kanina pa siya naliligo eh. Tagal tagal. Tsk.
Maya-maya naman bumukas na ang pinto ng banyo at nakita ko siyang topless. Tumambad sakin ang kanyang 6packs na abs. Well? Di naman sakin bago to, saka isa pa, isa din tong liko. Hahaha!
"Atat na atat ahh. Maligo kana!" Utos nito sakin. Inirapan ko lang siya.
"Ang taray wala naman pepe." Dagdag nito.
"Ang taray wala naman pepe." Pangagaya ko.
Sinarado ko na ang pinto ng banyo at naligo na. Habang naliligo ako, sumagi sa isip ko si Kaizer. Ang weird lang kasi.
Dati ang cold niya pero ngayon paminsan-minsan ng ngumingiti. And then, di na mahirap iapproach. Siguro nga totoo yung sinasabi nila na 'people change keme keme'
Pero malay mo good mood lang lagi. Ewan. Ang gulo.
"Hyuriko! May tumatawag sa phone mo!" Sigaw ni Kuya Jeff sa labas.
Sino kaya yun. Tsk.
"Hayaan mo muna di pa ako tapos!" Wala na akong narinig mula sa labas.
After ilang minutes nagsawa na ako sa tubig, pinatay ko na ang shower at nagtapis. May bakat. Hahahaha!
Lumabas na ako ng banyo at nakahilata si Kuya Jeff sa kama ko. Nanunuod habang kumakain.
"Bilisan mo na, kanina pa yun tumatawag." Tinignan ko ang phone ko at unknown caller. The fuck sino to?
"Baka naman maling number ang tinatawagan." Nilapag ko nalang ito at nagbihis na muna.
Pareho lang kaming nakaboxer ngayon ni Kuya Jeff. And then nakatopless. Humiga na ako sa kama and tumabi sakin si Kuya Jeff.
"Gusto mo?" Alok sakin nito.
"Yoko, ang init naman." Reklamo ko. Nakabukas na ang aircon pero ang init parin.
"Kaya nga eh, buksan mo yung electric fan." Utos nito sakin.
Binuksan ko naman ang electric fan at maya-maya narinig kong tumunog ang cellphone ko.
Kaya naman kinuha ko ito at tiningnan ang number.
Calling...
09*********
Sinagot ko nalang ito.
"Hello? Sino ka?" Tanong ko dito.
"Hyuriko! Si Sam to, kanina pako tumatawag. May tatanong lang sana ako." Si Sam lang pala. Haha!
"Ano yun?" Naupo naman ako sa kama at maya-maya...
"HOY HYURIKO! LUMAYAS KA JAN! NANUNUOD AKO!" Tss. Tinignan ko ng masama si Kuya Jeff at natawa naman ito.
"Sino yun?" Tanong ni Sam sa kabilang linya.
"Ahhh, pinsan ko, si Kuya Jeff." Sagot ko.
"Ahh, gusto ko sanang tanungin kung may assignments tayo?" Napaface palm nalang ako at natatawa.
"Sam, wala tayong assignments. Wala naman tayong ginawa kanina diba?" Natawa nalang din siya sa kabilang linya.
"Oh sige na, bye. See you bukas. Goodnight."
"Sige. Goodnight kiddo." Pinatay ko na ang phone ko at nakita ko namang nakangisi si Kuya Jeff.
BINABASA MO ANG
High School Lovers (BoyXBoy)
Genç KurguAbout LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.