Chapter 8

1.8K 58 2
                                    

Breakfast is ready! And a silent prayer, and a silent morning 😧
Di parin nag sasalita si Rhian, ewan ko ba. Nawalan na akong gana, tumayo na ako para umalis.

"San ka pupunta?"

"Aalis na may trabaho ako" sabi kung naka poker face (Lady Gaga \.../ 😂)

"Hindi ka aalis umupo ka at kumain, at sunday ngayun alam kung wala kang office ngayun!"

"Di lang naman sa office yung trabaho ko eh, isa din akong babae sa club" biro ko, sinamaan ako ng tingin.

"Eto na nga sabi ko e kakain na!"

"So..."

"Uhm Rhi yung kagabi?"

"Glaiza, lets not talk about that, puyat lang yun kagabi"

"Ok" simpleng sagot ko ang sakit, sa heart sa head sa toes and my knees.
Binilisan ko naman ang pag kain at nag paalam na sa kaniya.
Ito na nga sinasabi ko eh tatanga tanga ka Glaiza! Puyat lang yun? WTH.

1 week! 1 week na walang calls, text o meet, no interactions. Tinext ko siya later that day nung umalis ako sa bahay niya. At ang saklap nag good night ako sakaniya kasabay may sweet dreams pa at ang reply niya lang ay 'same' sakit nun! Kaya di ko nalang siya kinulit ulit.

"Hoy! Iinumin mo ba yang coffee mo? At saka nakikinig ka ba?"

"Ha? Oo..."

"Ano bayan Glaiza! Nakipag meet ka sakin tapos kakausapin ko lang naman yung coffee na nasa harapan mo?!"

"Sorry, sorry ano nga ulit yun?"

"Wala, wala! Nevermind, di ka parin naka move on?! At isa pa kasalanan mo yun nag padala ka! At may mali din si Rhian! Clearly ayaw niya sayo pinaasa ka niya kaya wag mo nang isipin yung babae na yun!"

"Tama ka! Tanga ako paasa siya nag asa ako, mag momove on na ako!" Sabay taas kamay ko 'closed fist' parang ra-rally lang naman.

"Yan, tama yan!"

"Pero Batchi siya parin laman neto eh!" Sabi ko sabay turo between the breast which wala ako nun😂 char! Heart po Heart!

"Kaya nga mag momove on diba? Jusko tanga mo talaga!"

"Hindi ako tang-... ina" puta nandito siya pumasok kasama si jason.

"Hoy tsong ginagawa mo jan sa ilalim ng table?"

"Shhh! Wag kang maingay! Andiyan siya!"

"Sino? Si Rhian saan?!" Sabi niya at inikot niya talaga ang tingin niya para hanapin.

"Yun! Rhian!!! Hi!" Sigaw niya bwisit talaga to. Agad naman lumapit si rhian, jusko Amen.

"Uy chynna, dito karin pala, ikaw lang maggisa?"

"Ah hindi dito si Glaiza kasama ko"

"Ah.." tanging sagot niya wala talaga siyang paki sakin.

"Dito siya sa ilalim!" Papatayin ko talaga tong babae to. Bilis ko namang bumalik sa kinauupuan ko at bangag nabangga pa ulo ko sa lamesa.

"Hi! Hi cho-... I mean Jason, May nahulog kasi na tinidor"

"Coffee iniinom natin!" Huta talaga tong Batchi.

"Ah, yun kasi binigay sakin ng waitress kanina eh, di ko na makita"

"Eh wala namang binigay ang waitress kanina sayong fork eh, number siguro maniniwala pa ako!" Gusto ko na tong patayin bat ko pa nakaibigan to?

"Uhmm di rin kami mag tatagal mauna na kami" sabi niya sabay hila na nakaholding hands pa sila ni jason, bumili ng coffee sa counter at umalis narin.

"Oh? Sakit?"

"Tumahimik ka jan han! Isa pa Batchi ha! Masasapak na talaga kita!"

"Baka ikaw nasapak sa diyan!" Turo niya sa dibdib ko. Tumahimik nalang ako, kasi totoo,bat ganun? imbis na makakalimutan kita Rhian, bakit mas na fall pa ako sayo! Ngayung nakita kita uli.




Into You (RaStro)Where stories live. Discover now