Chapter 1

121 6 0
                                    

Chapter 1

MALAKAS na tugtog at maingay ang lugar kung saan pinili niyang magpunta ng mga oras na iyun.

Nasa isang sikat na bar siya sa Timog at kasalukuyang nagpapalango sa alak.

Wala siyang makialam sa paligid niya basta ang gusto lang niya mawala kahit papaano ang sakit na dinulot ni David sa kanya.

Boyfriend niya si David. Na ngayon ay ex-boyfriend na niya. Kani-kanina lang.

Nakaramdaman siya ng pait ng maalala niya ang breakup nilang dalawa.

Napakasakit malaman na ang taong minahal at inalagaan sa puso mo ng ilang taon ay mawawala lang sa isang iglap.

Sinunod-sunod niya ang pagtungga sa tequila na iniinum niya. Malakas ang loob niyang uminum mag-isa sapagkat alam niyang malakas ang alcohol tolerance niya.

Narinig niya ang malakas na hiyawan ng mga tao sa paligid niya.

Ang malakas na tugtog ang nagpapalimot sa kanya na masakit na alaala.

Mayamay ay nagdecide siyang tumayo at makisali sa isang grupo ng sumasayaw sa dance floor.Walang pakialam na sumayaw siya.Basta ang alam lang niya gusto nyang makalimot.

"Whooh!!" malakas na sigaw niya habang sumasayaw.

Ngunit nagulantang siya ng biglang may humila sa kanya at kinaladkad siya papalabas ng bar.

"Hey! ano ba!"

Gusto sana niyang pumalag ngunit mukhang umepekto na ang alak sa sistema niya.

Biglang umikot ang paningin niya.

"Hey, Miss!"

Maagap na sinalo siya ng lalaking humatak sa kanya.

"Are you okey, Miss?"

Tanong nito habang hawak ang beywang niya para suportahan ang pagtayo niya.

"Ano bang problema mo, Mister?! Bakit biglang bigla ka na lang nanghahatak?? Holdupper ka ba?" inis na tinabig niya ang kamay nito na nakakapit sa beywang niya.

"Am i look like one?" amused na sabi nito sa kanya.

Pinagmasdan niya ang mukha nito. Tama naman marahil ang sinabi ng magaling na lalaki na to. Hindi mukhang holdupper pero looks can be deceiving.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Are you on drugs?"

Narinig niyang pumalatak ito.

"Im not holdupper, Miss. And hindi din ako nakadrugs. It was all mistake. Napagkamalan kitang sister ko kanina."

Lalong napataas ang kilay niya sa sinabi nito.

Hindi siya tanga para maniwala sa sinasabi ng lalaking kaharap niya ngayon.

"Mukha ba kong tanga? Do you think maniniwala ako sa mga sinasabi mo?" mataray na sabi niya dito.

Nagkibit-balikat ito.

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala sa sinasabi ko. But believe me, hindi tamang grupo ang sinamahan mo kanina. They're drug addicts. Hindi lang sila users, nagbebenta din sila ng drugs sa mga nakikilala nila sa bars. And involve din sila sa mga gang rape. Siguro naman ayaw mong mangyari sayo ang bagay na iyon diba?" seryosong sabi nito sa kanya.

Natahimik siya sa sinabi nito. Napansin din niya kanina ang mga hitsura ng mga kasama niya. Mukha ngang high ang mga ito.

"P-pero kahit na. Hindi mo dapat ako hinila na lang basta-basta. "

Nakaramdam ulit siya ng inis ng maalala ang ginawa nitong paghatak nalang basta sa kanya kanina.

"Again, im sorry for that. Nagkataon lang na napadaan ako sa bar at napagkamalan kita. "

Napatitig siya sa mukha nito. Bukod sa gwapo ay mabait at maamo ang mukha nito.

"By the way, Im Edward del Rosario. And you?"

Tinignan niya ang nkalahad na kamay nito. Nag-aalangan siyang makipagkilala dito.

Mukhang nahulaan nito ang iniisip niya kaya ito na ang humila sa kamay niya at nakipagshake hands.

"Don't worry. Harmless akong tao." nakangiting sabi nito sa kanya.

Nakaramdam siya ng kakaiba ng maglapat ang mga kamay nila.

Bigla niyang binawi ang kamay niya.

"Im Myles.. Sige nice meeting you. Babayaran ko lang ang bills ko sa loob."

Walang lingong pumasok siya sa bar para magbayad ng bills niya. Hindi na rin siya nagtagal at umuwi na siya sa condo niya.

Muling sinaklot ng sakit at lungkot ang puso niya ng makauwi siya sa condo niya.

How she wished na sana mawala ang sakit na nararamadan niya bukas pagkagising niya.

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon