Chapter 2

62 5 0
                                    

Chapter 2

HINDI pinakinggan ng Diyos ang kahilingan niya.

Nananatiling sigutan at bigo ang puso niya. 

Pagmulat pa lang ng mga mata niya, luha na ang kaagad na sumalubong. Napakasakit isipin na wala na ang taong minahal mo ng ilang taon. Yung taong kasama mo sa pagbuo ng pangarap. 

Mariing napapikit siya.

Kailangan niyang tanggapin na hindi na para sa kanya si David. Hindi na siya ang taong minamahal at tinitibok ng puso nito. 

May iba na itong mahal. 

At sino nga ba siya para hadlangan ang kaligayahan nito? Nagmamahal siya, oo. Pero hindi siya sakim. Mas inisip pa din niya ang kaligayahan ni David.

Yun yata ang ginagawa ng isang taong tunay na nagmamahal. Ang palayain ang taong mahal mo para lubusang lumigaya.

Sa ngayon, iiyakan na lang muna niya ang pagkabigo ng puso niya. Pero dadating din ang araw na makakabangon din siya at magagawa na niyang ngitian ang kapalaran ng buhay pag-ibig niya.

Maya-maya pa ay bumangon na siya. Nilinis niya ang kwarto na punong-puno ng alaala ni David.

Maingat niyang inilagay sa isang malaking kahon ang mga gamit na binigay ni David sa kanya. Mula teddy bears, keychain, love letters at pictures. Itatago niya ito bilang pagrespeto ng masayang alaala nilang dalawa. 

Muling bumalong ang luha sa kanyang mga mata ng oras na iyon. 

Paiyak siya ng malakas. 

"David.."

Hindi siya sigurado kung hanggang kelan siya masasaktan ng ganoon.

------

"Anak?"

Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mama niya. Tumuloy-tuloy lang siya sa dating kwarto niya.

Bitbit ang overnight bag niya, pumasok siya doon.

She decided na tumuloy muna sa bahay ng mama niya. Kahit naman hindi na sila gaano kasundo ng mama niya, gusto pa din niyang makita ito. At isa pa, baka kung ano pa ang maisipan niya kung mananatili syang mag-isa sa condo niya.

Napansin niyang sumunod pala hanggang sa kwarto ang mama niya.

"Anong ginagawa mo dito, Myles?"

"Bakit? Bawal na ba ko sa bahay ko?"

Tanong niya dito. Yes, bahay niya. Sapagkat bago pa namatay ang daddy niya,ipinamana na sa kanya ito.

"Hindi naman sa ganoon, anak. Pero diba may condo ka na?"

Nagtatampong tinapunan niya ito ng tingin. Isa pa ang mama niya sa ikinasasama ng loob niya. Simula kasi ng magkaasawa ito, parang biglang inilayo nito ang loob sa kanya. Mas mahal na yata nito ang stepdaughter nito kaysa sa kanya. Mas iyon ang binibigyan nito ng atensyon kaysa sa tunay na kadugo nito.

Nagising na lang siyang nasanay na lang sa pambabalewala nito sa kanya.

"Huwag kang mag-aalala. Hindi ako sasabay kapag kumakain kayo. Dont worry." malamig na sabi niya.

"Anak-"

Sinenyasan niya ito. "Stop it, ma. Im tired. Gusto ko ng magpahinga."

Tinalikuran niya ito at tumuloy sa walk in closet niya. 

Lagi na lang bng sakit ang mararamdaman niya?

Napabuntong-hininga siya. Nakakapagod palang masaktan. Nakakasawa.

-----

MALAYO pa lang ay kilalang kilala na ni Edward ang nakaupo sa isang sulok ng bar kung saan siya nakatambay ng mga oras na iyon.

Actually, sinadya niya talagang magpunta. May mission siya na kailangan niyang gawin. 

Ang samahan si Myles sa lahat ng oras.

Sa totoo lang, hindi siya pumapayag sa ganoong set-up. Ngunit dahil narin sa pakiusap sa kanya ng kaibigan niya na si David ay napapayag siya nito.

Ewan niya ngunit nakaramdam siya ng awa para kay Myles. 

May iba na kasing mahal ang kaibigan niya at gusto na nitong makipaghiwalay kay Myles. Ngunit hindi alam ni David kung paano sapagkat alam nito kung gaano nito kamahal ni Myles.

Pero napansin na pala ng huli ang biglaang pagbabago ng kaibigan niya kaya ito na lang ang nakipagkalas.

Noong una ay galit siya kay David ngunit mas nangingibabaw ang awa niya para sa dalaga. 

Kaya ng malaman niya kay David na nakipaghiwalay na ang dalaga dito ay wala siyang inaksayang panahon, pinuntahan na niya agad ito.

At iyon nga ang una nilang pagkikita ni Myles. Noong hinala niya ito mula sa dance floor.

At ito nga siya, pinagmamasdan ang dalaga mula sa table na kinauupuan. 

Kitang kita sa magandang mukha nito ang kalungkutan. 

Muli ay parang gusto niyang sapakin si David. Wala ba itong puso para saktan ito?

Walang pagdadalawang isip na tumayo siya at nilapitan ito.

"Hi. We met again. Small world,huh?"

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon