Chapter 12

21 4 0
                                    

Chapter 12

"What's up?" nakangiting bati agad sa kanya ni Edward.

May usapan kasi silang magkikita sa isang bar sa timog. Napag-isip din 

niyang dapat na maglibang muna siya. Masyado siyang nastress sa trabaho 

niya sa office at dumagdag pa ang nalaman niyang malapit ng ikasal sina 

David at Alice. 

Naipangako niya sa sarili niyang hindi na siya masasaktan pero parang 

pati puso niya, gusto siyang suwayin. Nasasaktan pa din siya at ayaw 

niyang magpakaimpokrita.

"Great. You?" 

Agad na umupo ito sa tapat niya at umorder ng drinks.

"Im not okey.." malungkot na sabi nito.

"Ha? Why? What happened?" nag-aalalang sabi niya dito.

"Namiss kita eh." mas lalo pa nitong pinalungkot ang mukha.

Natatawang hinampas niya ito sa balikat.

"Nakadrugs ka na naman, Edward."

Biglang tumawa ito. "Totoo yun, namiss kita. Ikaw kasi eh, tagal mo din 

hindi nagparamdam."

Napatitig siya sa mukha nito. Ewan ba niya pero parang pinabilis ng 

sinabi ni Edward ang pulso niya. Napailing siya. HIndi pa panahon para 

mainlove o pumasok ulit siya sa isang panibagong relasyon. 

"Huh?"

"Huh ka diyan. Kamusta ka naman? Doing great?"

Ngumiti siya. "Nasagot ko na yang tanong mo, Edward."

"Talaga? HIndi ko yata maalala."

"Puro ka kalokohan."

"Kidding aside, san ka na pala nakatira ngayon?"

Hindi pa pala alam nito kung saan ang condo niya.

"Nasa condo ulit ako. Actually, doon talaga ako nakatira lumipat lang 

ako nung.." hindi na niya tinuloy ang sasabihin. Ayaw niyang masira ang 

maganda sanang gabi nila ni Edward.

"Ah I see. Don't worry, ipagluluto kita ng espesyal kapag nagpunta ako 

sa condo mo."

TInaasan niya ito ng kilay. "Bakit? Inivite na ba kitang magpunta sa 

condo ko?"

"Hindi ba? Oh well, close na naman tayo eh.." nakangising sabi nito sa 

kanya.

Napailing siya. 

"Sure, why not? Kailan mo ba balak magpunta?"

------- 

September 01, 2011

Tumingin siya sa wristwatch niya. Ilang oras na lang, kasal na sina 

Alice at David. 

Napabuntong hininga siya. Tinitigan niya ang nagkikislapang ilaw ng 

kamaynilaan. Nasa condo lang siya kapiling ng isang bote ng scortch.

Mas pinili niyang magkulong sa condo kaysa magpunta sa kasal ng dalawa. 

HIndi siya tanga at lalong hindi hangal na pupunta siya sa kasal ng 

lalaking minamahal niya.

Inisang lagok niya ang alak na hawak niya at mabilis na nagsalin ulit. 

Hindi masamang magpalasing, alam niyang makakaya niya din ang lahat.

Bigla niyang naisip si Edward. TInext niya agad ito na magpunta sa 

condo niya. HIndi naman nagtagal ay nagreply agad ito at sinabing 

pupunta agad daw ito after thirty minutes.

MAs okey kung may makakasama siyang magpakalasing at magpakalunod sa 

alak ngayong gabi..

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon