Chapter 9
"Well, una sa lahat, gusto kong umalis na kayo sa bahay ko." simpleng sabi niya sa
stepfather niya.
Muling napatayo sa upuan ito pagkarinig sa sinabi niya. Pati si ALice ay napasinghap sa
narinig.
Alam niyang hindi makapaniwala ang mga ito na magagawa niyang palayasin ang mga ito sa
bahay.
"Hindi ako papayag! May karapatan na ako sa bahay na ito kaya hindi mo ko magagawang basta
nalang palayasin!"
Galit na sigaw nito sabay hampas ng kamay sa lamesa.
"At bakit hindi? I owned this house, Tito Miguel. Kaya gagawin ko lahat ng magustuhan ko."
"Pero asawa ako ng mama mo! At yun ang nagbibigay sakin ng karapatan dito sa bahay na ito."
gigil na sabi nito.
Parang anuman sandali ay handa itong pumatay ng tao para lang hindi ito mapalayas sa bahay
na iyon.
She laugh. Mukhang nababaliw na yata ang stepfather niya.
"Hindi mo ba alam? Na hindi talaga mayaman ang mama? In short, wala siyang pera. At wala din
siyang karapatan sa mga ari-arian ng papa ko." TInignan niya ang mama niya. "Im sorry, ma.
But I need to say this, para hindi na umalis ang magaling mong asawa na may makukuha siyang
pera kapag nawala ka."
Hindi kumibo ang mama niya. Matagal na nitong alam mula ng mawala ang papa niya na walang
binigay na pera at ari-arian dito. Tanggap na naman ng mama niya iyon, sinabi na ang nito ng
sa sariling anak naman niya napunta ang kayaman ng papa niya, at siya nga iyon. Ngunit
nagbago ang lahat ng maging asawa nito ang stepfather niya. Maramibng bagay na ang
hinihiling nito mula nun.
Noong una ay pinabibigyan nya tulad ng pagbabakasyon ng mga ito sa ibang bansa kasama si
Alice. Ngunit, napuno din siya lalo na ng malaman niyang nagawang agawin ni Alice sa kanya
si David. Doon nasagad ang pasensiya niya. Ipapamukha niya sa mag-ama na siya ang masususnod
sa lahat ng bagay.
"Hindi totoo yan! Alam kong may karapatan ang asawa ko!" masamang tinignan nito ang mama
niya.
"Why don't you tell him, ma? Para tumigil na ang asawa mo."
"T-tama siya, Miguel. W-wala akong karapatan sa bahay at ari-arian namin."
"See?"
"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Myles? Gumaganti ka kasi nagawang kong agawin sayo
si David?"
Tinignan niya ito ng masama.
"Yes. Ginagawa ko ito para makaganti sayo, sa inyo ng ama mo. Kaya wala kayong magagawa
kundi sundin lahat ng ipag-uutos ko. Lalayas kayo sa bahay ko, as soon as possible. Kung
hindi, sa malamig na selda pupulutin ang tatay mo!"
Pagkasabi nun ay binirahan na niya ng alis ang mga ito. Nanininkip kasi ang dibdib niya
kapag pinagmumukha ni Alice na nagawa nitong agawin ang mga taong pinakaimportante sa buhay
niya. Una ang mama niya at sumunod ay si David.
Alam niyang tama ang naging desisyon niya. Patawarin siya ng Diyos ngunit gagawin niya ito
para sa sarili niya.
-------
"Problem?" concern na tanong sa kanya ni Edward.
Niyaya kasi niya ito ng araw na iyon, masyado kasi siyang nadedepress. Marami na siyang
napagdaan ng araw na iyon. Oo nga at nagawa niya ang gusto niya ngunit alam niyang nasaktan
ng husto ang mama niya sa pagpapalayas niya sa mag-ama.
"Let's just say na masaya ako kasi nagawa ko ang mission ko."
"But you don't look happy, Myles."
Ngumiti lang siya. "Believe me, I am."
"Fine. Pero huwag mo sana lokohin pati ang sarili mo, Myles."
"Bakit, Edward?"
Kumunoot ang noo nito. "Bakit? Para saan ang tanong na bakit mo?"
"Bakit concern sakin? Hindi naman tayo gaano magkakilala. Pero bakit parang ang bait mo
sakin?"
"hmm.. Bakit nga ba? Baka sadyang mabait lang talaga akong tao." pabirong sabi nito sa
kanya.
tipid siyang tumawa. "Siguro, mahal pa din ako ni God. Binigyan niya kasi ang ng totoong
kaibigan eh."
Napatitig ito sa kanya pagkarinig sa sinabi niya.
"Oh? Bakit natahimik ka yata bigla?"
"Masama bang pagmasdan ang kagandahan mo?"
Binato niya ito ng tissue.
"Puro ka kalokohan. Ilibre mo na lang ako, mas matutuwa pa ko sayo."
"what? Ako na naman? Lagi na lang ako ha." natatawang sabi nito.
"Kapal nito. Ako nga lagi nanlilibre sayo eh."
"Ahh, yan ang hindi totoo. Mas mayaman kaya ako sayo."
Natawa siya sa sinabi nito. May katotohanan naman kasi, mas mayaman nga ito sa kanya. Isang
napakalaking company ang pagmamay-ari ng pamilya nito.
"Mas cute naman ako."
"Ah. Diyan ako talo. Aminado akong cute ka nga."
Napapasaya talaga ni Edward ang bawat araw niya.
------
Nagtatawanan pa din silang dalawa ni Edward hanggang sa makababa siya sa kotse nito. Hinatid
siya nito sa bahay nila.
"You sure na ayaw mo magcoffee man lang?" alok niya dito.
Umiling ito. "Gusto ko namang mamiss mo ako nu."
Natatawang hinampas niya ito sa braso. "Kapal ng malaking mama na ito."
"Joke lang. Next time na lang, may lakad pa kasi ako eh."
"Ganon ba? Sige ingat ka."
Pero bago pa makasakay ulit ng kotse nito ay lumabas ang mgaling niyang stepfather kasama
ang demonyita nitong anak.
Mukhang paalis na ang mga ito.
"Well, well. My dear sister, aalis na kami ng papa. Sana masaya ka na." sarkastikong sabi
nito.
"Of course, walang kasing saya kung alam mo lang."
Inirapan lang siya nito. Pero curious nitong tinignan si Edward na nasa likod na pa din niya
hanggang ngayon.
"Hinihintay lang namin si David. Sa kanila kasi kami titira." nang-aasar na sabi nito sa
kanya.
Kung nang-aasar ito, well nagtagumpay nga ang malditang stepsister niya. Hindi lang siya
basta naasar. Ramdan din niya ang sakit na dulot nun sa puso niya..