Chapter 7

28 5 0
                                    

Chapter 7

HALOS buong gabi siyang hindi nakatulog sa sobrang pag-iisip. Hindi padin matanggap ng 

isipan niya na si ALice ang babaeng pakakasalan ni David. AT lalong hindi matanggap ng isip 

niya na matagal na pala siyang niloloko ng mga ito kasama ang sariling ina niya.

Siguro, dapat na niyang tanggapin na hindi na talaga siya mahal ng sariling ina niya o wala 

na talaga itong pagmamahal sa kanya. Mas minahal na nito ang bago nitong pamilya.

Masakit ngunit kailangan na niyang tanggapin. Pero hindi siya matatahimik hanggat hindi 

siya nakakaganti sa ginawa sa kanya ni Alice.

Lintik lang ang walang ganti!

Papatikimin niya ng impyerno ang buhay ni Alice pati na rin ang tatay nito. Wala na siyang 

pakialam kung masaktan man niya ang mama niya. Matagal na niyang pinatitiisan ang ugali ng 

pangalawang asawa nito para sa mama niya ngunit hindi na ngayon.

May duda siyang pinaplanuhan talaga ng mag-ama ang pang-aakit ni Alice kay David. At gagawa 

siya ng paraan para mabuko ang mga plano nito. Magtatagumpay siya, kahit na sa ano pa mang 

paraan, kailangan niyang magtagumpay.

--------

NAKARINIG siya ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto niya. May idea na siya kung 

sino ang nasa labas ngunit wala siyang ginawang aksyon para pagbuksan ito.

Alam niyang ang stepfather niya ang galit na kumakatok sa pintuan niya.

"Buksan mo tong pinto!! Myles!! ALam kong nandyan ka, buksan mo ang pinto!!"

Mas lumakas ang pagdabog nito ng puntuan niya. Maya-maya ay napagpasyahan na niyang 

pagbuksan ito.

"Wala ka talagang manners,ano??" inis na sabi niya.

"Manahimik kang, babae ka! Ano at pinahinto mo ang sustento at mga credit cards namin? Wala 

kang karapatan!" galit na sabi nito.

Nanlilisik na ang mga nito sa sobrang galit sa kanya ngunit hindi siya nakaramdam ng kaba. 

Alam niyang kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.

"Walang karapatan?" tumawa siya ng malakas. "I have all the rights. Kaya nga nagawa kong 

ipafreeze ang account niyo at credit cards eh, kasi nasa akin ang lahat ng karapatan. Pera 

ko ang winawaldas niyong mag-ina. Pera ko." 

"Pwes, ibalik mo ulit! Ngayon na!"

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Mula sa araw na ito, wala na kayong makukuhang sustento mula 

sa akin. Pwede kayong tumira sa bahay ko pero dapat sariling pagkain niyo din."

Nanlaki ang mga mata nito.

"Hoy, ang mama mo pa din ang may mas karapatan sa bahay na ito!"

Tumawa siya ng malakas. 

"Hindi ba nabanggit sayo ng mama? Na bago pa namatay ang papa ko wala siyang makukuha kahit 

na isang kusing mula sa kayamanan niya? Sa akin napunta ang lahat, kaya ang mayaman hindi 

ang mama. Kaya kung ako sayo, umalis ka na sa harapan ko at baka palayasin na kita."

Inis na sinaraduhan niya ito ng pinto.

Nag-uumpisa pa lang siya. Kaya humanda ang mag-ama.

-----

"Sino kausapan mo?" tanong sa kanya ni Edward pagkatapos niyang ibaba ang cp niya.

Nasa isang restaurant sila at nagdidinner ng mga oras na iyon.

"Ah.. Yung private investigator."

Kumunot ang noo nito. "PI? For what?"

Ngumiti siya ng makahulugan.

"May mission kasi ako ngayon."

"Mission? At ano naman yun?"

Nagkibit-balikat siya.

"Let's just say, kapag natapos ko ng successful ang mission na iyon. Siguro matatahimik na 

ang buhay ko."

"Is it about your ex again, MyleS?"

Tumango siya. "Yeah."

"Bakit hindi mo na lang siya tuluyang kalimutan? Akala ko ba gusto mo siyang maging masaya?"

"Yun nga ang gusto ko kaya ko ginagawa ito, Edward. And please, hayaan mo na ako."

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon