Chapter 5

29 5 0
                                    

Chapter 5

"Thank you.."

Sincere na sabi niya kay Edward. Nasa harap na sila ng bahay niya ngayon at kakauwi lang galing sa concert na inuntahan nila.

"For what?" takang tanong nito.

"For always being there for me."

"Nah. Don't mind that. Alam ko namang bukas ililibre mo ako e.." pabirong sabi nito.

Natawa siya.

"Sure. Why not. Sky is the limit."

"Really? Parang gusto ko ng maging kaibigan mo habang buhay ha."

Natatawang pinalo niya ito sa braso. Edward never failed to amused her.

"Always smile, Myles. You deserve someone better than your ex." seryosong turan nito sa kanya.

Napatitig siya sa mata nito. Ramdam niya ang sinseridad sa sinabi nito. Maswerte pa din siya at nakilala niya ang isang tulad ni Edward.

"Thanks. So, pano? See you around?"

Nakangiting tumango ito.

"Have a goonight sleep, Myles."

"You too."

Nang mawala sa paningin niya ang kotse nito ay saka lang siya pumasok ng bahay.

She expected na tulog na ang mga kasama niya ngunit nagulat siya ng mabungaran ang mama niya at ang asawa nito at si Alice. Ngunit hindi pa doon natapo ang pagkashock niya sapagkat nandoon din si David!

"Anak.." tawag sa kanya ng mama niya. Parang ramdam niya ang pagkabalisa nito.

"What's happening here?" takang tanong niya. "David? WHat the hell are you doing here?"

Pinagmasdan niya ang anyo nito. Puno iyon ng pagpapaunawa.

"M-myles.." si David

"David and I are getting married.." parang nang-aasar na sabi ni Alice sa kanya.

Dinaig pa niya ang pinasabugan ng bomba sa narinig.

"No! You're lying, bitch!" galit na sabi niya dito.

Parang hindi siya makahinga sa nalaman. Hindi siya makapaniwala na si Alice ang ipinagpalit sa kanya ni David.

Oh god, don't do this to me..

"Huwag mong matawag na bitch ang anak ko, babae!" galit na singit ng tatay ni Alice.

"Shut up!" baling niya dito.

Lumapit siya sa dalawa na ngayon ay magkahawak-kamay. Ramdam niya ang sakit na idinulot sa kanya sa nasaksihang tagpo. Parang handang ipaglaban sa kanya ni David si Alice.

"David? What the hell is this? Ano to? Nagbibiruan lang tayo?"

Umiling ito. "Im sorry, Myles. I love your sister. Actually, matagal na."

Siya naman ang umiling.

"So, matagl niyo na pala akong niloloko? Na matagal na pala akong mukhang tanga sa harapan ng babaeng ito?"

"No, hindi kita niloko, Myles."

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon