Chapter 6

26 5 0
                                    

Chapter 6

"Damn it, David! Anong hindi niloko? Step sister ko pa ang pinalit mo sakin!"

"Im sorry, Myles. Pero hindi ko na kasalanan na siya ang stepsister mo. Ang pagkakamali ko 

lang ay yung minahal ko siya."

Umiling-iling siya. Pakiramdam niya parang pinagtaksilan siya ng mga taong akala niya ay 

mahal siya at importante sa kanya.

"Inakit ka ba ng malanding babae na yan, David? Oh well, hindi na ko magtataka kung ganon."

Masamang tingin ang binigay niya kay Alice. Nababasa niya sa mga kislap ng mata nito ang 

tagumpay.

"No, Myles. Hindi niya ko inakit. Mahal ko lang talaga si Alice."

Hindi na niya napigilan ang sarili niya. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa pisngi 

ng dating kasintahan.

"Napakasama mo! Ginawa ko lahat para sayo, para lang lumigaya ka pero puro sakit lang ang 

ibinigay mo!"

Maluha-luha ng sabi niya. No, hinding hindi siya iiyak sa harapan ng mga ito lalo na sa 

harapan ni Alice.

"Why dont you accept the fact that David dont love you anymore, Myles?" si Alice

"Enough, Alice." sabat ni David.

"No! Dapat malaman niyang wala na siya aasahan sayo!"

Hindi pa nakuntento ang bruha at lumapit pa sa kanya. Tinignan siya nito ng pailalim.

"Myles, myles, myles. Nakakaawa ka naman. I-"

Hindi sampal ang binigay niya dito kundi isang malakas ng bigwas sa pisngi.

Magtataka na lang siya kung hindi nakatulog ito sa suntok niya. Boxing ang sports na 

nakahiligan niya.

"Oh my god! Alice!" hiyaw na sabi ng mama niya.

Dinaluhan agad ang nakatulog na yatang si Alice.

"Walanghiya ka! Wala kang karapatang saktan ang anak ko!" galit na sabi ng stepfather niya.

"At wala kang karapatang murahin ako sa sarili kong pamamahay, you moron!" sigaw din niya 

dito.

"Aba't!"

Susugurin siya dapat nito ngunit agad na pumagitna ang mama niya.

"Tama na, please! Myles,anak. Tigilan mo na naman."

Naghihinanakit na tinignan niya ito.

"Tama na? Ma, ako ang niloko, ako ang nasaktan at nadehado tapos sasabihin mo lang sakin na 

tama na?"

"Kaya nga. Alam ko naman yun, Myles. Ang sinasabi ko lang sayo, tigilan na ito."

"Hindi! At bakit ako titigil? Teka nga, ma. Kailan mo pa nalaman na si David ang boyfriend 

ng Alice na yan?"

Hindi makatingin ng drecho ang mama niya sa kanya. Hindi man sumagot ito ngunit alam na niya 

ang sagot.

Doon lalo nag-antak ang kalooban niya. Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon ng sarili 

niyang ina.

"You'l gonna pay for this." Masamang tinignan niya ang stepfather niya.

"Hindi ako takot!" mayabang na saad nito.

Napangisi siya.

"Watch me. Baka bukas magmakaawa ka na sakin."

"Myles.." nakikiusap na sabi ng mama niya ngunit hindi nya ito pinasin.

Tinalikuran niya ang mga ito at dumerecho sa room niya.

Maraming bagay ang napagdesisyonan nya na kailangan na niyang maisikatuparan bukas.

Magbabayad ang mga taong nanakit sa kanya maski pa ang sarili nyang ina.

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon