Chapter 17 ~ Finale
"Myles?"
Napatayo agad siya ng marinig niyang tinawag siya ng papa
ni Edward.
"Good Evening po, Tito Rene."
"Mas maganda ka pa sa gabi, hija. Si Edward ba hanap mo?"
Nahihiyang tumango siya.
"Opo. Nandito po ba siya?"
"Naku, oo. Lasing na lasing nga yun kahapon at kanina.
Andun nasa kwarto niya at nagkukulong naman. Binigo mo
yata kaya nasiraan na ng bait. Ang mabuti pa puntahan mo
na lang siya sa kwarto niya. Baka nagbigti na ang loko."
"Tito Rene naman.."
Natawa ito sa reaksyon niya. "Sige na. At alagaan mo anak
ko ha?"
"Opo. Pero dapat po ako ang alagaan niya." nakangiting
sabi niya.
"Wala akong duda dun, hija."
May pagmamadaling pinuntahan niya ang kwarto ni Edward.
Humugot muna siya ng hininga bago kumatok. Masyado na kasi
siyang kinakabahan ng mga oras na iyon.
Ngunit ilang beses na siyang kumakatok pero walang Edward
na nagbubukas ng pinto. Biglang may kabang bumundol sa
kanya. Baka nga nagbigti na yung damuhong yun!
Walang sabisabing pumasok na siya sa loob ng kwarto nito.
"Edward?"
Tawag niya ulit dito. Tanging lampshade lang ang ilaw na
bukas sa kwarto. Nakahinga lang siya ng maluwag ng
maaninag niya ito na nakahiga sa kama.
Lumapit siya dito at niyugyog ito para magising.
"Edward, gising.. Edward.."
Tanging ungol lang ang lumabas mula dito.
Tama nga ang Tito Rene, mukhang nalasing nga talaga ito.
Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito. Sadyang
napakaamo ng mukha nito kaya walang dudang nahulog kaagad
siya para dito.
Hahaplos sana niya ang buhok nito ng biglang hinila siya
nito.
Napasigaw siya sa sobrang pagkagulat at natumba sa bisig
nito. Napakalapit ng mukha nila sa isa't isa.
"Myles.."sambit sa kanya ni Edward na ngayon ay nakadilat
na.
"Totoo ka ba?"
"Oo naman. Kaya nga nayayakap mo ko ngayon diba?"
Naramdaman niyang niyakap siya nito.
"Totoo ka nga.."
Napapikit siya. Napakasarap na makulong talaga sa mga
bisig ng lalaking ito.
"Mahal na mahal kita, Myles."bulong nito sa kanya.
"Mahal din kita, Edward.."
Nagulantang siya ng biglang napatayo ito sa pagkakahiga
kaya napatayo din siya.
"Edward ano ba!"
Mahigpit na pinisíl nito ang pisngi niya.
"Ouch!" nasaktang sabi niya. "Nanakit naman eh."
Napansin niyang kinusot nito ang mga mata.
"Totoo ka nga. Hindi ako nananaginip."
Naiinis na hinampas niya ito sa braso.
"Pisngi mo sana ang kinurot mo hindi yung akin!" sabi niya
habang sapo ang nasaktang pisngi.
Natawa ito ng malakas. Totoo nga ang sabi ng papa nito,
mukhang nababaliw na yata ito.
"Para kang baliw.."
Biglang sumeryoso ang anyo nito at tinitigan siya ng
matiim.
"Oo, baliw sayo.. Kung alam mo lang na gagawin ko ang
lahat mahalin mo lang ako. Handa akong maghintay, kahit
taon pa yan o dekada pa. Ganyan kita kamahal. Ikaw ang
buhay ko at dahilan kung bakit ako nakangiti at masaya,
Myles."
Hindi niya napigilang mapaluha sa sinabi nito.
"Masaya ako at nakilala kita, Edward. Hindi mo na
kailangang maghintay ng taon o dekada pa. Mahal kita. Ikaw
na ang buhay ko ngayon."
Hinawakan nito ang baba niya at pinisil.
"Ilove you, baby.."
"Iloveyou more."
Napapikit siya ng maramdaman ang paglapat ng labi nito sa
kanya. Kaiba-ibayong sensasyon ang naramdaman niya sa
sandaling paglapat ng mga labi nila.
Nagniningning ang mga matang tinignan siya ni Edward
pagkatapos siyang halikan.
"Dapat pala akong magpasalamat kay David."
Nangunot ang noo niya. "Bakit naman?"
Nagkibit balikat ito. "Kapag kasal na tayo saka ko
ikukwento sayo." nkangising sabi nito.
"Teka, nagpropropose ka naba nyan?" lukot ang ilong na
tanong niya.
Napakaromantikong tao talaga nito.
"Baby, huwag na natin patagalin. Mahal naman natin ang
isa't isa eh."
"Alam ko. Pero wala bang singsing? O kahit lumuhod ka man
lang?"
"Baby, ang corny nun."
"Ah ganon? Eh kung iwan kaya kita ngayon din?"
"Ikaw naman hindi na mabiro. Yung singsing next time na
lang ha?" pang-aasar pa nito.
"Kuripot!"
Napuno ng tawanan ang buong kwarto nito.