Chapter 13

20 4 0
                                    

Chapter 13

Nagmamadaling sumakay ng elavator si 

Edward.

Nasa building na siya kung nasan ang 

unit ni Myles.

Nang makareceived siya ng text mula 

dito kanina habang nasa reception siya 

ng kasal nina David ay walang 

pagdadalawang isip na umalis agad siya 

sa party para puntahan ito.
Alam niyang nangangailangan ng 

kaibigan si Myles sa mga oras na ito. 

Napakahirap ng pinadadaanan nito.

Sa totoo lang, ayaw na sana niyang 

pumunta sa kasal nina David ngunit 

hindi naman niya matanggihan ang huli. 

May pinagsamahan din naman kasi sila.

Pero simula ng malaman niyang ang 

stepsister ni Myles ang magiging 

future wife nito ay kibuin dili na 

niya si David.

Oo, galit siya sa ginawang pananakit 

nito kay Myles.

Nang tumuntong ang elevator sa floor 

kung nasan ang unit ni Myles ay dali 

dali siyang lumabas at pinuntahan ito.

Sunod sunod siyang nagdoorbell.

------

Pasuray na lumakad siya papunta sa 

pinto. Alam niyang si Edward ang nasa 

labas at nagdodoorbell.

Hilo na din siya ng mga oras na yun at 

naparami na din ang nainum niya. 

Hiyaw niya sabay bato ng hawak niyang 

baso sa pader.

"Alam mo ba yung pakiramdam na 

pinagkaisahan ka? Yung bang wala ka ng 

kakampi? Edward, ang sakit nun eh. 

Kasi wala naman akong ginawang masama 

sa kapwa ko pero bakit parang 

pinaparusahan ako?"

"Myles.." nag-aalalang nilapit siya ni 

Edward.

Tinignan niya ito sa mga mata. Hindi 

na niya nakayanan, napaluha siya.

"Mahal na mahal ko siya, Edward.." 

umiiyak ng sabi niya.

Bigla siyang niyakap nito ng mahigpit. 

Na para bang sa pamamagitan nun, 

mawawala ang lahat ng sakit na 

nararamdaman niya.

"Hindi ka na masasaktan, Myles. Hindi 

ko hahayaang may manakit sayo habang 

nasa tabi mo ako." bulong ni Edward sa 

kanya.

Hinigpitan niya ang kayap niya dito.

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon