Chapter 3

48 5 0
                                    

Chapter 3

KUNOT-NOONG tinapunan niya ng tingin ang lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan niya.

Kung hindi siya nagkakamali, ito yung lalaking bigla na lang humila sa kanya palabas ng bar.

"What do you want?" malamig na sabi niya dito habang tinutungga ang hawak niyang beer.

Nagkibit balikat ito.

"Would you mind if i seat beside you?" tanong nito.

Why not? Mukha namang mabait ito bukod sa gwapo.

"Sure, if you buy me a drink." nakangising sabi niya.

Wala namang masama kung makipagkaibigan siya. Tutal, nag-iisa lang naman siya.

"Sure." sabi nito at umorder ng isang bucket.

"Im Edward."
"I know."
"Im glad you remembered it. And yours?"

"Myles."

"Cute name."
"Yeah. Dad gave me that name. Pangalan daw ng aso niya dati."

"Really? I guess your Dad really loves you."

"Yeah. Sana nga nandito siya sa tabi ko ngayon."

"Why? Where is he?"

"He passed away five years ago. I missed him."

"Im sorry, Myles." sincere na sabi nito sa kanya.

Umiling siya.

"Its okey."

"So, anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"

Pag-iiba nito ng usapan.

Napangiti siya. Nakakaaliw itong kausap.

"Nah. Tambay lang sa tabi tabi."

"You're lying. You dont look like a bum all your life. "

Natawa siya. Mukhang marunong din palang kumilatis ng tao ang isang ito.

"Right. I have my own business na tatakbo kahit wala ang pasaway nilang amo. You? What do you do?"

"Im just a plain employee."

"I dont believe you."

Tinawanan lang siya nito.

"Enough about work. It sucks, anyway. Mukhang nag-iisa ka ha? Healing a broken heart?"

Naalala niyang bigla si David. Nalaman niya kasi mula sa common friend nila na engaged na pala ito sa bago nitong girlfriend. Kaya heto siya at nagpapakalango sa alak.

"Yeah. How i wish it could be healed by overnight." malungkot na sabi niya dito.

"Im not gonna say sorry about that. He's a jerk."

"No, i think he's not."

"Yes, he is. Hindi dapat sinasaktan ang isang magandang tulad mo."

Napangiti siya ng mapait.

"Sana ganon lang kadali ang lahat."
"Wala naman madali sa mundong ito. Lahat ng bagay pinaghihirapan."

"Yeah, tama ka. Ang pusong sugatan ba pinaghihirapan para gumaling agad?" tanong niya.

"Maybe. But it the end, alam kong magagawa mo din magmove on. In time. Pero sa ngayon, bakit hindi na lang tayo magkwentuhan ng masaya diba?"

Napangiti siya sa tinuran nito. Mukhang nakatagpo siya ng isang bagong kaibigan sa katauhan nito.

-------

"Saan ka nagpunta kagabi, anak?"

Tanong agad sa kanya ng mama niya pagkaupo niya ng dining table.

At ngayon, kaharap niya ang stepfather at stepsister niya na kahit kailan ay hindi sila naging malapit.

"Bar hopping." walang ganang sagot niya dito.

Halos gabi gabi ay lumalabas sila ni Edward. She's enjoying his company. Nakakalimutan niya si David kapag kasama niya ito.

"Na naman? Gabi gabi na lang yan ha."

"Hindi ako tumira dito para sermunan niyo, ma. And Im eating, please?" naiiritang sabi niya.

"Hey, huwag mong sagutin ng ganyan ang mama ko." sabad ni Alice.

Tumaas ang kilay niya sa narinig.
?"Did i heard it right? Mama mo?" binigyan diin niya ang salitang mama.

"Mukhang nanaginip ka pa yata, Alice. Sarili kong ina ang inaangkin mo."

"Hoy, Huwag mo ngang aawayin ang anak ko!" sabad ng stepfather niya.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin.

"At huwag na huwag mo din akong sisigawan sa sarili kong bahay."

"Enough, please!" sigaw ng mama niya.

"Pagsabihan mo yang walang galang mong anak!"

"Sa inyo lang ako walang galang."

"Aba't! Napakatapang mo talaga! Ano bang pinagmamalaki mo ha?"

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Pinagmamalaki ko? Gusto mong malaman? Yan, yung kinakain mo araw araw, yung ginagastos mu sa sugal, at yung tinutulugan nyo ng anak mo. Yun lang naman ang pinagmamalaki ko."

"Anak, please.."

Tumayo siya. " Nakakawalang gana."

Narinig niyang pumalatak pa din ang stepfather niya.

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon