Chapter 10

22 5 0
                                    

Chapter 10

Bago pa siya makapagreact sa sinabi ni Alice ay may humintong kotse sa tabi ng bahay nila. 

Daig pa niya ang sinuntok ng makitang bumaba ng kotse si David.

"Hon, buti naman at dumating kana. Let's go na." maarteng sabi nito kay David.

Ngunit hindi kumibo ang huli sapagkat nakatingin lang sa kanila ito ni Edward. 

"What's the meaning of this, David? Ititira mo daw sa bahay niyo sina ALice?" maang tanong 

niya dito.

Tumango si David. "Oo, Myles. Nabalitaan ko kasi na aalis na sila sa bahay niyo pero 

pansamanta-"

"You've heard it right, sis. Titira na ako sa bahay nina David. Tutal, ikakasal na naman 

kami eh." sabi ni Alice.

Hindi niya pinansin ang sinabi nito sapagkat nakatingin lang siya kay David. 

"Kahit na alam mong magnanakaw ang ama niyan? Itutuloy mo pa din ang kasal?" hindi 

malapaniwalang tanong niya kay David.

Tumango ito. "I love her, Myles. Gagawin ko lahat para ay Alice."

"Ang tanga mo naman, David." punong-puno ng pait na sabi niya dito.

Hindi na niya naitago ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Basta ang alam 

niya lang, sobra sobrang sakit ang nasa puso niya.

"Im sorry, Myles.."

"Sorry? Ganon na lang ba ang lahat para sayo, David?" 

Gusto na niyang magwala ng mga sandaling iyon. Gusto na niyang pumatay ng tao.

"Let's go, hon. Ang lamok dito." maarteng sabi nito. "Huwag mo ng pansinin yang si Myles. 

Super bitter lang yan."

Pinaningkitan niya ito ng mata. 

"Bitch!" malakas na sabi niya dito.

Naramdaman niyang hinawakan ni Edward ang braso niya. 

"Relax, sweetheart. Ang mabuti pa, pumasok na tayo sa loob ng bahay niyo."

Narinig niya ang sinabi nito ngunit parang wala siyang narinig. Nanatili lang siyang 

nakatitig kay David.

Gusto sana niyang pigilan ang dalawa ngunit mahigpit na hawak hawak ni Edward ang braso 

niya.

Parang tangang nakatitig lang siya sa papalayong sasakyan. 

"Myles.."

Hindi niya ito pinansin bagkus dumeretso siya sa bahay nila. 

"Myles, wait!" habol sa kanya ni Edward.

"Tina! Tina!" sigaw niya sa katulong nila.

"Señorita?" hangos na sabi nito sa kanya.

"Akin na ang susi ng sasakyan, bilis!"

"Opo, opo." taranatang sumunod ito sa kanya.

"What are you doing, Myles? Huwag mong sabihin na susundan mo sina David?"

Hindi pa din niya pinansin ang tanong nito. Ang alam niya lang, gusto niyang habulin sina 

David.

"For Pete's sake, Myles! Mali ang gagawin mo."

"What's wrong with that, Edward? Gusto ko lang pigilan si David. Ginagamit lang siya ng 

babaeng iyon!"

"Okey, pero wala ka ng pakialam sa buhay niya."

Natigilan siya sa sinabi ni Edward sa kanya.

"I hate to say this, Myles. Pero hindi ka na mahal ni David. You need to accept that fact."

"That's not true, Edward. Huwag mong sabihin yan. Wala kang alam kaya waala kang karapatan 

na sabihin yan."

Inabot niya ang susi na binigay ni TIna at binuksan ang pinto ng kotse niya.

"Huwag kang tanga, Myles. Hindi ka niya mahal kaya huwag mo ng ipagpilitan ang sarili mo."

Pinigilan nito ang pagsara niya ng pinto.

"Edward, please! Hayaan mo na ako. MAhal na mahal ko si David at gagawin ko ang lahat para 

sa kanya."

Natigilan si Edward sa sinabi niya. Ilang sandali pa ay ito na din ang nagsara ng pinto 

niya.

Walang pag-aatubiling pinaandar niya ang kotse niya. Pinaharurot niya ito papalayo sa bahay.

--------

Matiim na tinignan ni Edward ang papalayong sasakyan ni Myles. Napailing siya ng malaman na 

stepsister pala nito ang bagong girlfriend ni David. Wala naman kasi sinabi sa kanya si 

David tngkol doon.

Nakaramdam siya ng galit sa kaibigan. Sobra na ang ginawa nitong pananakit kay Myles.

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon