Epilogue

32 7 1
                                    

Epilogue

"Mommy!"

Sigaw sa kanya ni Elyss. Ang kanyang anim na taong anak at panganay nila ni Edward.

"Just a minute, sweetheart!" natatarantang binuhat niya ang bag at sinunod si Ran, ang bunso nilang magtatatlong taon na.

Saka nagmamadaling bumaba na siya. Sinalubong siya ng mag-ama niya na ngayon ay naghaharutan na naman.

"My, si Dad oh. Inaasar ako kay Kevin." nakangusong sumbong nito sa kanya.

"Who's Kevin,sweetheart?"

"Eh di yung may crush kay Elyss."

"I don't like him! He's.. eww.."

Natawa siya sa reaksyon ng anak niya.

"Eww.." panggagaya ni Ran sa ate nito.

"Let's go. Kanina pa naghihintay sina Daddy."

May family gathering kasi sila sa bahay ng asawa niya sa tagaytay. Pitong taon na din silang kasal ni Edward. At masasabi talaga niyang mahal na mahal siya ng asawa niya at wala siyang pinagsisisihang minahal niya ito.

Ang mama naman niya ay nakatira na sa bahay niya kasama ang stepfather niya. Okey na naman sila ng mama niya pero halos walang pinagbago sa kanila ng asawa nito.

Sina Alice at David naman ay ilang taon na ding hiwalay. Sino naman kasi makakatiis sa ugali ng demonyitang yun? Katulad din niya siguro.

At siya napakaswerte niya at may Edward siya.

Naramdaman niyang hinapit siya sa beywang ng asawa niya.

"Iloveyou,my.."

Napangiti siya sa binulong nito.

"Iloveyoumore, dy.."

--THE END--

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon