Chapter 15

22 4 0
                                    

Chapter 15

HINDI lang siya ang napamaang sa sinabi ni Edward. Halatang ikinagulat din iyon ng buong pamilya nito.

Bago pa siya nakapagreact ay inakbayan siya nito at pinisil ng marahan ang braso niya.

Napatingin siya dito. Halata sa mukha nito na makisakay na lamang siya sa scene na ginawa nito.

Walang umiimik sa pamilya ni Edward. Bigla siya kinabahan. Napansin kasi niyang biglang sumimangot ang mommy nito samantalang ang daddy naman ni Edward ay pinagmamasdan lang siyang mabuti.

"Well, mukhang big boy na si Kuya Edward. Nagpakilala na ng girlfriend eh." ani ni Elise.

Napatingin siya sa nakangiting mukha nito.

"Welcome to the family,

Myles. Don't worry, super bait nyang si Kuya."

Nakangiting tumango siya. Kahit paano ay nabawasan ng konti ang kaba niya.

"Come, Myles. You may seatdown." ang daddy naman ni Edward ang nagsalita.

"Thank you, Sir."

"Call me Tito Rene, Myles. By the way, how old are you?"

"Dad, hindi tamang tanungin mo si Myles ng age niya." singit ni Elise.

"No, it's okey, Elise. Twenty-five na po ko, Tito Rene."

"Twenty-five? You look young. I guess puro pagpapaganda lang ang alam mong gawin." singit ng mommy ni Edward.

"Hindi naman ho siguro masama magpaganda. Kapag maganda ang tingin mo sa sarili mo, nadadagdagan ang self-confidence mo."

"I agree to that, hija. Pero matanong ko lang, dont get offended ha. Hindi naman puro pagpapaganda siguro ang ginagawa mo, right?" tanong ni Tito Rene.

Sasagot na sana siya ngunit naunahan siya ni Edward na magsalita.

"Actually, Dad. Si Myles na ngayon ang nagmamanage ng family business nila. You know the Food Expo Inc. and MDL Foodchains? Ring a bell, right? Siya ang owner nun at nagpalago ng company nila. Aba, big time yata tong girlfriend ko." pagmamalaking sabi nito sa buong pamilya.

"Really? That's a big WOW, hija. Ang dami mo na palang accomplishments sa murang edad mo. Maswerte pala talaga ang anak ko sayo."

Nahihiyang nginitian niya ito.

"Hindi lang naman po dahil sakin kaya naging succesful ang company. Malaki ang utang na loob ko sa mga empleyado ko."

Sumang-ayon ito sa sinabi niya.

"Tama ka sa sinabi mo, hija. I like you. Punta ka sana lagi dito para makapagkwentuhan tayo, okey ba yun, Myles?"

"My pleasure, Tito Rene."

"No!"

Patingin silang lahat ng biglang nagsalita ang mommy ni Edward.

"Shut up, Lemy. Nakakahiya kay Myles."saway ni Tito Rene sa asawa nito.

"Pero hindi natin pwedeng papuntahin sya dito. Nakakahiya kay Trixia. Ipaplano na nga ang kasal nila diba?"

Siya naman ang nagulat sa sinabi ng mommy ni Edward.

Parang sinuntok ng malakas ang dibdib niya ng malamang ikakasal na si Edward.

Napatitig siya dito. Punong-puno ng tanong ang tinging iyon.

"No, mommy. Trixia and I are not together kaya paano kami magpapakasal? At hindi dn namin mahal ang isa't isa. Kaya walang dahilan para ikasal kame lalo pa at may Myles na ako."

Naramdaman niyang hinawakan ni Edward ng mahigpit ang kamay niya.

"Tama si Edward. Hindi natin pwedeng piliting ikasal sila. At isa pa, may girlfriend na pala ang anak mo. And I like her."

"Thanks, dad."

-----

"So, paano? Uuwi na ang girlfriend mo." idiniin niya ang 'girlfriend' na word dito.

Natatawang inakbayan siya nito. Kasalukuyang nasa verandah sila at nagkkwentuhan. Nauna ng nagpaalam ang dalawang kapatid nito kasama ang mga asa-asawa. Ang daddy naman ni Edward ay nagpaalam na din sa kanya,napagod na siguro sa pagtatanong tungkol sa pagpapatakbo niya ng company niya. Ang mommy naman nito ay kibuin dili siya.

"Napagod yata si Dad sa kakatanong sayo ha."

"Oo nga eh. Napakaswerte mo sa Dad mo, Edward."

Inakbayan siya nito.

"Of course, kahit naman ikaw maswerte sa papa mo. Nagkataon nga lang na kailangan na siya ni God. Don't worry, proud siya sa mga accomplishments mo, baby."

Kinurot niya ito sa beywang.

"Sus, nambola pa ang mama. Alam ko po yun, bigla ko lang kasi namiss ang papa ko. Pero masaya ako at nakilala ko ang family mo, Edward."

"Mas maswerte ako kasi nakilala kita."

Hindi man niya aminin, kinilig siya sa sinabi nito.

"Myles.."

"Hmm?"

"I love you.."

Nashock siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang mahal siya ni Edward.

Naramdaman niyang hinawakan nito ang magkabilang balikat niya at tinitigan ng matiim.

"I love you, Myles. Mahal kita. At minamahal kita sa bawal oras at segundong magkasama tayo. Alam ko, nagmomove on ka pa pero maghihintay ako hanggang sa magawa mo na akong mahalin. Basta hayaan mo lang ako na bantayan at alagaan ka, Myles.."

Napatitig siya sa mukha nito. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya inaasahang magtatapat sa kanya si Edward.

"Myles?"

Hindi pa din siya nagsalita. Masyado yatang marami ng nangyaring sopresa sa kanya ng gabing iyon.

"E-dward, hindi ko alam ang sasabihin ko. I mean, pwede na ba akong umuwi? It's late na kasi."

Iyon lang at dere-derecho siyang lumakad palayo dito.

Nagmamadaling sumakay siya ng kotse niya at pinaandar iyon.

Ewan niya pero habang sinasambit ni Edward na mahal siya nito ay nakaramdam siya ng takot.

Hindi niya alam kung ano ang kinatatakutan niya. Basta ang gusto lang niya ay lumayo muna pansamantala..

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon