Chapter 11

20 4 0
                                    

Chapter 11

Tinatamad na bumangon si Myles sa kama niya. Ilang araw din siyang nagkulong sa condo niya 

after ng nangyari ng gabing iyon. 

Hindi naman talaga niya sinundan sina David para pigilan. Hindi niya alam ngunit nung 

nagmamaneho na siya ng sasakyan, biglang lumitaw ang isip niya ang galit na anyo ni Edward 

nung pinipigilan siya noong gabing iyon.

Bigla na lang niyang inihinto ang kotse niya. Oo, aaminin niya. Sobrang sakit ng naramdaman 

niya ng gabing iyon. Iniiyak na lang niya ang lahat ng sakit at hinanakit niya sa mundong 

noon. 

Sa totoo lang, hanggang ngayon din naman eh. Kaya nga pinili niya na lang magkulong sa condo 

niya ng ilang araw. Siguro, paglabas niya sa condo niya, inaasahan na niyang magbabalik na 

siya sa dati. 

Gagawin na niya ang dapat niyang gawin. Masyado siyang madaming iniwan noong nagpapagaling 

pa siya sa pusong nasaktan ni David.

Babalikan na niya ang lahat, trabaho niya, mga kaibigan niyang alam niyang labis ng 

nag-aalala sa kanya. 

Naalala niya ulit si Edward. Namimiss na din naman niya kasi ang lalaking iyon. Pinili niya 

kasing huwag na muna pakipagkita dito. Gusto niya munang mag-isip. At isa sa mga babalikan 

niya ay si Edward.

---------

Busy siya ng oras na iyon sa trabaho. Halos hindi na nga niya makuhang kumain ng lunch sa 

sobrang dami ng dapat niyang gawin. Ilang buwan din siyang nawala kaya tambak ang dapat 

niyang asikasuhin sa company niya.

Nagulat siya ng sabihin ng secretary niya na nasa labas ng office niya ang mama niya. 

Kumunot ang noo niya, hindi kailaman nag-aksaya ng oras ang mama niya na para puntahan siya 

nito. At hindi rin naman siya nag-effort na kamustahin ito pagkatapos nitong sumama sa 

mag-ama.

Oo, pinili nitong sumama kina Alice ng palayasin niya ang dalawa. Parang papel na nilamukos 

noon ang puso niya. Pero ano nga ba ang magagawa pa niya? Wala na. Kailangan na lang niyang 

tanggapin ang lahat ng nangayayari sa buhay niya.

"Myles?" untag sa kanya nito ng makapasok sa opisina niya.

"What are you doing here, Ma?" kunot noong tanong niya dito.

Bakas sa mukha nito ang pagsisisi. Pero para saan?

"I.. I came here to give you this.." 

Tinignan niya ang inilapag nito sa desk niya. Isang wedding invitation. Kahit hindi niya 

tignan kung kanino iyon ay may ideya na siya.

"Iyon lang ba, Ma? Nag-aksaya ka ng oras para lang ibigay sakin ito?" naiiritang sabi niya.

Malungkot na tumango ito.

"Oo, anak. S-sige, mauuna na ko.." akmang tatalikod na ito ng tawagin niya ito ulit.

Walang salitang iniabot niya ang passbook, ilang creditcards at atm.

Nagtatanong ang mga matang tinignan siya ito.

"Panggastos mo."

YUn lang at binuhos na niya ang atensyon sa papeles na hawak niya.

Napabuntong hininga na lang siya pagkalabas nito.

Tinapunan niya ng tingin ang wedding invitation. ALam niyang kay David at Alice iyon. Hindi 

man niya gusto, pero may naramdaman siyang sakit at pait... 

Maya-maya ay tumunog ang cp niya. Si Edward ang nagtext at nangangamusta. Napangiti siya.

♥ Dreaming of You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon