Chapter 3
"Nandito na po ako." sabi ko ng makapasok na ako sa loob.
"Sobra ka atang ginabi ng uwi?" sarkastikong sambit ng Papa ko habang naka cross arm pa. Ayan nanaman si Papa, sermon nanaman.
"Sorry po. Sinamahan ko pa po kasi yung estudyante ko. Hindi po kasi marunong mag-byahe, eh baka po mapaano." sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Estudyante? Hindi ba sabi ko, wag kang mag-sasama sa estudyante mo? Paano nalang kung may nakakita sa inyo at bigyan ng kahulugan yon? Professor na nakiki-pag-landian sa estudyante niya?"
"Pa, hindi po ako nakiki-pag-landian. Sinamahan ko lang po kasi nga po hindi marunong mag-byahe. Baka nga po mapaano pa lalo na malalim na ang gabi." kalmado kong sabi dito. Pero yung totoo, naiinis na ako. Sa tuwing uuwi ako ng ganitong oras, puro nalang sermon ang inaabot ko.
"Kahit na Stanley!" tumaas na ang boses niya. "Professor ka! At alam mo dapat kung saan ka lulugar! Hindi magandang tingnan na ang Professor ay kasama ang estudyante niya. Mahiya ka Stanley. Lumayo ka sa mga estudyante mo. Oo, mukha kang bata sa itsura mo kaya madaming kababaihan ang nahuhulog sa'yo."
"Pa, ano pong gusto niyong gawin ko?"
"Layuan mo na kung sino man yung estudyante mong kasama mo kanina. Kung ayaw kang layuan, sungitan mo! Itaboy mo!" sigaw nito. Tumango nalang ako bilang pag-sagot at agad na umakyat sa kwarto ko.
"Bakit siya pa? Bakit hindi nalang si Mama ang nandito." bulong ko sa sarili ko. Yung kausap ko kanina, Mama ko yon. Since galit ang Papa ko sakanya, mas pinili nalang ni Mama ang umalis. Kaya eto ako ngayon, naiwan sa taong pinakikisamahan ko. Buti na nga lang at may kapatid ako, kung wala, baka matagal na akong umalis sa bahay na 'to.
Nag-hilamos ako ng mukha saka nag-palit ng damit. Agad akong pumunta sa office room ko. May office room ako dito sa loob ng kwarto ko. Hindi ako pwedeng mag-pahinga, kailangan ko pang gumawa ng lesson plan. Habang busy ako sa pag-susulat, bigla naman nag-vibrate yung phone ko.
Tiningnan ko kung sino yung caller, si Mama pala. Agad ko naman iyon sinagot.
"Mmm?... Nakauwi na po ako... Badtrip nga po eh. Sinermonan nanaman niya ako... Hinahayaan ko lang siya, nakaka-sawa na din naman. Paulit-ulit lang po... Okay lang po... Tulog na po ata si Thea. Hindi ko na po nakita eh... Sige po, goodnight... I love you too din po." in-end call ko na at pinag-patuloy ang pagagawa ng lesson plan.
BINABASA MO ANG
Falling For My Professor
Teen FictionI slowly became fond of my male professor. At first I thought it was just a lust. A simple 'crush' that would go away with time. I was wondering if I should proceed and tell him how I feel or just leave it alone. ...