Chapter 19
(Shelby & Jazz on the right side)
"Babe, hindi mo ba talaga ako sasamahan mag-swimming? What if malunod ako?" Kanina nya pa ako kinukulit na samahan ko daw syang mag-swimming. I sighed, "Shiela, hindi kana bata para samahan pa. Malaki kana, at kung alam mong malulunod ka, wag ka nalang mag-swimming at mag stay nalang dito sa cottage." sabi ko at ibinalik ang atensyon ko sa pag-hahanda ng pagkain.
Masyadong napaaga ang beach vacation namin dahil sa daddy ni Shiela. Hindi ko alam kung bakit, excited lagi ang daddy nya at hindi maka-paghintay. Pumayag na nga ako tapos ganito pa ang mangyayari? Ang totoo, ayoko naman talaga e. Kaso ano pa nga ba ang magagawa ko? Once na si papa ang nag-sabi at nag decide, wala ng atrasan pa.
I heard her sigh quietly to herself. Hindi na sya nangulit pa at umupo nalang sa isang side. Nakonsensya naman ako bigla. Napatigil ako sa ginagawa ko at nilapitan sya. Lumuhod ako sa harapan nya para pumantay sakanya. "Do you really want to swim?" she nodded. "Alright," I said, then she smiled.
Halos inabot na kami ng tanghalian dahil sa pag-eenjoy nya. Kung hindi ko pa pigilan, hindi sya papaawat. One thing na napansin ko sakanya, wala syang pakialam kung pag-tinginan man sya ng mga tao. Basta masaya sya sa ginagawa nya. Para kasi syang bata na tuwang-tuwa at parang first time lang nakapag-swimming.
Ako? Hindi ako nag-swimming pero basa ako. Pa'no, panay ang basa nya sa'kin. Pinipilit nya akong samahan sya sa pagsasaya nya. Nakaupo lang ako sa may buhanginan at pinapanood sya. Kaya naman ng sumapit ang alas dose, pinatigil ko na sya at bumalik na sa cottage namin.
***
Madaming pabaon sa'min ang daddy ni Shiela kaya naman sobra syang nag pakabusog kanina, kaya ayan, bagsak sya at tulog na tulog. Lumabas ako ng cottage namin para mag pahangin saglit. Kahit may araw, malamig ang simoy ng hangin. Nakatitig lang ako sa maasul na tubig ng beach na ito at pinagmamasdan ang mga bata na gumagawa ng sand castle. Napangiti nalang ako. Naalala ko kasi si Thea, mahilig sya sa sand castle.
Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa napagod na'ko. Napakalaki ng beach resort na ito. At talagang maliligaw ka kung first time mo lang. Habang naglalakad ako pabalik sa cottage namin, may napansin akong babae na tingin ng tingin sa'kin pero agad din iiwas. Tss. Napailing nalang ako at hindi nalang pinansin iyon.
BINABASA MO ANG
Falling For My Professor
Teen FictionI slowly became fond of my male professor. At first I thought it was just a lust. A simple 'crush' that would go away with time. I was wondering if I should proceed and tell him how I feel or just leave it alone. ...