Chapter 14

251 10 10
                                    

Chapter 14 

(Thea Carson on the right side) 

"Bakit? Anong meron, Pa?" 

Bakit ang sama ng kutob ko na may binabalak ang magaling kong Papa at ang magulang ni Shiela? Geez. Sana mali itong kutob ko dahil hindi talaga ako papayag. Hinding-hindi. Hindi ko kayang mag-patali sa babaeng hindi ko naman mahal. 

"Basta. Mag-ayos ka, bilisan mo at nakakahiya sa bisita." Isinara nya na ang pinto habang ako naiwang nakatulala. Nakatitig lang ako sa may pinto. Hanggang sa pumasok si Thea. 

"Kuya! Ano nanaman bang ginagawa ng assumerang babae na yan dito sa bahay natin? At talagang isinama nya pa ang parents nya ha?" irita nitong sambit at padabog na umupo sa kama ko. 

"So ano ng gagawin mo Kuya? Mag-papakita ka ba?" 

"Thea, ano pa bang magagawa ko? Alam kong alam mo ang litanya na bibitawan sa'kin ni Papa. Hindi ka na nasanay. Paulit-ulit, nakakairita lang.

Kumuha ako ng presentable na damit at inayos ang sarili ko. Simple lang ang ipinalit ko, pero alam kong kagayak-gayak naman ang suot ko. Lalabas na sana ako ngunit may kamay na humarang sa door knob. 

"Kuya!" I sighed. 

Ikinulong ko ang pisngi nya sa mga palad ko, "I know what you're thinking right now, Thea. Hinding-hindi ako papayag, itaga mo sa puso mo." I smiled. She shook her head then I ruffled her hair. "KUYA!" She yelled. I laughed at her reaction. She then gave me a mad face. 

Bumaba na ako. Baka kung ano pa ang masabi sa'kin ng Papa ko, mapahiya pa ako. Ng makababa na ako, biglang nag liwanag ang mga mukha nila. Lalong-lalo na ang Shiela na ito. Ilang beses ko bang sasabihin sakanya na ayaw ko sakanya? 

"Sorry, I took so long." 

"Ano ka ba Stanley! It's okay. Kadadating lang din namin." Shiela's Mom with a wide smile on her face. 

"Maupo ka," Umupo ako, katapat ang Papa ko. Habang si Shiela at ang magulang nya ay nasa mahabang couch. 

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon