Chapter 20
(Calliope, Stanley, & Shiela on the right side)
"Ouch! You're hurting me na!" sigaw ko sa Stanley na ito na kasalukuyan akong hinihila kung saan. "You're hurting me physically and emotionally." at nag iyak-iyakan pa. Wow. Deadma lang ako at parang wala syang naririnig! Basta patuloy lang sya sa paghila sa'kin.
Inalis na nya yung pagkakahawak sa braso ko at hindi pa nakuntento at pahagis na isinandal ako sa pader. "Now tell me kung anong pumasok dyan sa kukote mo na sundan kami ni Shiela dito, at isinama mo pa talaga ang Kapatid ko!" Halos pasigaw nyang sabi sa'kin.
I laughed. "Kapal mo din e noh? Baka sinundan kita? Gusto ko lang mag-relax, dahil sobra akong na-stress this past few weeks. Nagkataon lang na pupunta din pala si Thea dito kaya sumabay na ako." I rolled my eyes, "At hindi ko alam na nandito din pala kayo ng Soon-To-Be-Girlfriend mo," I said sarcastically.
"She's not my Girlfriend!" He glared at me.
"Okay, sabi mo e. Now, pwede na ba akong umalis?" I said coldly.
Naiinis ako sakanya! Ano bang problema nya kung sumunod ako dito para sakanya? Of course alam nyo naman ang dahilan kung bakit ako sumunod dito. Iniba ko lang yung dahilan ko kanina. Bakit? Dahil ba sa mawawalan sila ng privacy? o dahil sa makakagulo lang kami sa vacation-vacation leche nila?
Aalis na sana ako pero pinigilan nya ako at hinawakan sa braso ko. Mas lalong humigpit yung hawak nya. Naiinis na talaga ako na naiiyak. Ang sakit na ng braso ko. "Stay away from Thea! Wag na wag mo na syang lalapitan pa." Binitawan nya na ang braso ko, kahit masakit, hinayaan ko nalang.
Umalis na sya at naiwan akong mag-isa. Naiwan akong naluluha ang mata. 'I do regret this. Dapat pala hindi nalang ako sumunod pa dito.' Kung umuwi nalang kaya ako? Tanga ka ba?! Nandito kana, aatras ka pa ba? Napailing nalang ako at napa-sabunot sa buhok ko.
Stanley's POV
"Babe, bakit nandito si Thea?" Sabay turo kay Thea ng hindi tumitingin. Hindi nya alam na may kasama pang iba si Thea. And speaking of her, bakit wala pa sya? Bakit hindi pa sya dumadating? Akala ko kasi kanina naka-sunod sya sa'kin. Teka nga! Bakit ko ba sya iniisip? Nagpunta sya dito dahil gusto nyang mag-relax.
"Ah. Pinapunta ko sya dito," ang tanging nasabi ko at dumiretso sa may veranda ng cottage na ito para mag-pahangin. Mula dito, tanaw na tanaw ang ganda ng beach na ito. Napakalaki ng lugar na ito. Palubog na ang araw. At mas lalo pang lumalakas ang hangin. Naisip ko nanaman sya.
BINABASA MO ANG
Falling For My Professor
Teen FictionI slowly became fond of my male professor. At first I thought it was just a lust. A simple 'crush' that would go away with time. I was wondering if I should proceed and tell him how I feel or just leave it alone. ...