Chapter 25

230 9 3
                                    

Chapter 25

"Oh god! What happened to your arm?" Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sa braso ko. Bakit ngayon ko lang napansin? At bakit kailangan makita pa ni Shelby? "Wala." At nagpatuloy nalang ulit ako sa ginagawa ko. Pero alam kong hindi ako tatantanan ng babaeng 'to.

"Isa!" at pilit nyang kinuha ang braso ko para tingnan iyon. "Oh god! Saan galing ang mga pasa na yan?" Hindi ako sumagot at tiningnan lang sya. "Calli, don't look at me like that na para bang alam ko ang sagot sa tanong ko." Seryoso na sya, at pag ganyan yan, kailangan bigyan ko sya ng maayos at seryosong sagot.

I sighed.

2 weeks na kaming mag Boyfriend o Girlfriend ni Gaston. Kalat narin sa buong Easton ang balitang yan. Kaya kahit na nahihiya ako, dahil sa isang Gaston Delos Santos pa ako pumatol, ay hinayaan ko nalang. At sa 2 weeks na iyon, wala syang ginawa kung hindi paglaruan ako! Pero sino banaman ako para magpalaro sakanya? Ha! Calliope Piper ata 'to!

At etong mga pasa ko? Sya ang may gawa. Kapag hindi ko sya sinusunod, alam nyo na. Gusto kong sampalin ng malakas ang lalakeng 'yon dahil sa ginagawa nya sa'kin! Gusto nya akong babuyin! Syempre, sino banaman ako para magpababoy sa isang lalakeng katulad nya? Kahit kailan, hinding-hindi ko isusuko sakanya ang pinaka-mahalagang bagay na pinaka-iniingat-ingatan ko.

At sa loob din ng 2 weeks na iyon, hindi na ako kinakausap o pinapansin ni Stanley. Isang dakilang estudyante nalang ang trato nya sa'kin, hindi na katulad ng dati. Sobrang seryoso na nya pag-dating sa'kin. At hindi ko kaya 'yon. Ayoko ng cold treatment na ipinaparamdam nya sa'kin ngayon.

Kung alam nya lang, para sakanya 'tong ginagawa ko.

"Si Gaston Delos Santos ba ang may gawa ng mga pasa na ito?" mariin at galit na tanong nya. Mariin akong pumikit at pinilit ang sarili kong magsalita. "Sya nga." sagot ko. Binitawan nya na ang braso ko at padabog na tumayo sa kinauupuan nya, "WALANG HIYA PALA ANG LALAKENG YAN EH! KUNG ANG NANAY MO NGA HINDI KA SINASAKTAN, SYA PA KAYA? JONGINA NYA! IPAKITA MO SA'KIN YANG HINAYUPAK NA LALAKENG YAN!" sigaw nya.

Pinakalma ko ito at pinaupo ulit, "By, ayos lang ako. Malayo naman sa bituka 'to, at hindi ko naman ito ikamamatay. Saktan nya nalang ako, kaysa naman sa babuyin nya ako." at mas lalong nag-usok ang ilong nya sa galit dahil sa sinabi ko, "JONGINA TALAGA NG DELOS SANTOS NA 'YAN! PURO KA MANYAKAN ANG GUSTONG GAWIN!" Nasapo nya ang noo. "AT WALANG OKAY DOON CALLI! HINDI OKAY SA'KIN NA SAKTAN O BABUYIN KA NG DELOS SANTOS NA 'YON!"

"By, okay lang talaga sa'kin,"

"ANONG OKAY LANG? DO YOU HEAR YOURSELF RIGHT NOW, CALLI? WAG KA NGANG TANGA DYAN! Alam mo? Nakakainis ka! Kung sa'yo okay, sa'kin hindi! Hindi ko na kaya Calli, hindi ko kayang makita kang ganyan. You deserve to be happy, at buo na din ang desisyon ko na sabihin kay Stanley ang tungkol dito." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "No, Shelby! Not now. Ako na bahala." I said.

"Kailan mo balak sabihin? Kapag tuluyan na syang lumayo sa'yo? Ewan ko lang talaga, basta ako pupuntahan ko na ngayon si Stanley sa ayaw mo man o sa gusto!" Inayos nya na ang gamit nya at umalis na ng walang paalam. Hindi ko na sya pinigilan pa at hinayaan nalang. Wala naman na akong magagawa kapag sya na ang nasunod.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa araw na 'to, pero sana hindi nya muna sabihin sakanya. Sana sabihin nya sakanya, yung naka-uwi na ako, yung wala na ako.

***

At kung minamalas nga naman ako oh! Bakit kailangan nandito din sya library? Umiiwas na nga din ako sakanya, tapos ganito pa ang tadhana? Pilit kaming pinagtatagpo at pinaglalapit. Malay ko ba kung nasabi na pala ni Shelby sakanya. Actually, nasa likuran nya ako kasi nakapila ako para sa hihiramin kong mga books para sa research paper ko.

Grabe! Amoy na amoy ko yung pabango nya, sobrang sakit sa ilong! Hindi naman sa mabaho. Actually, ang bango-bango ng pabangong gamit nya! Napalayo ang mukha ko sakanya ng ma-realize ko kung anong ginagawa ko. Phew! Buti nalang at maunti lang ang tao dito, nakakahiya!

Halos sabay lang kaming dalawa, at hindi ko alam kung saan ako uupo. Gusto ko yung malapit sa bintana. Buti nalang at may bakante pa na katabi lang ng bintana, pero kung minamalas ka nga naman! Doon pa talaga kailangan' umupo? Sa gusto ko pa? Napailing nalang ako. Nasapo ko ang noo ko.

Oh god! Wala akong choice kung hindi umupo sa table na malapit lang sakanya. Ng makaupo na ako, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sakanya. Nakita nya kaya ako? Baka naman hindi? O nag-bubulagbulagan lang? Seryosong-seryoso sya at mukhang madami syang ginagawa.

"Mahal mo ba ako?" tanong nung lalake dun sa babae, pero mahina lang sapat na para marinig ng iba. Napatingin naman ako sakanya, at nakatingin din pala sya sa'kin pero agad din umiwas. Seryoso? Nakita nya ako! "Oo na, mahal kita!" sagot ng babae. Seryoso? PDA dito sa library? Ewan ko lang ha.

Bigla naman akong na-alarma sa mga lalakeng nakapaligid sa'kin ngayon. "Miss, pwede bang maki-share?" tanong ng lalakeng pinagsakluban ng langit at lupa. Duh! Akala ko ba puro gwapo mga estudyante dito? "Hindi pwede, may kasama ako." Ayoko ng may kay ka-share. "Miss, wala ka namang kasama. Tabihan ka nalang namin," sabat nung isa na hayuuup sa kulay ng buhok!

"Dito nalang kayo oh," alok ni Stanley habang kinukuha yung mga librong binabasa nya. "Ay, salamat po, Mr. Carson. Nakakahiya naman po sa inyo," Nahiya pa sya nyan sa lagay na yan ah? Eh sukat nakaupo na nga yung mga kasama nya! "Okay lang," sagot ni Stanley.

Oh god! Nagulat nalang ako ng umupo sa katapat ko si Stanley. Oh.My.God. Bakit dito pa sya umupo sa table ko? Bakit dito pa! Nakakainis. "Kung hindi naman nakakahiya sa'yo, pwede bang i-usod mo yang mga gamit mo?" aniya.

I rolled my eyes, "Sungit. Sya na nga lang yung makiki-upo! Hmp!"

"Sa'yo 'to? May pangalan mo? Yan ang hirap sa iba e, kinakanya hindi naman sakanya!" he said without looking at me. Aba! Akala nya hindi ako papatalo? Bahala sya! Umayos ako ng upo at kunwaring nag-babasa, "May bakante pa naman kasi doon, hindi ko alam kung bakit dito pa talaga umupo." sabi ko at nag fake-cough.

"Hindi hamak na mas malapit 'to, kaysa doon."

"Tamad naman. Ilang hakbang nalang naman, nandoon na. Ewan ko lang ha?"

"Ano ba kasing pakialam ng iba dyan? Kapikon." Natawa naman ako doon. Sa tono ng boses nya, halatang na-iinis na sya! Hahaha. "May paki ako kasi ako ang nauna dito." sabi ko habang nag-lilipat ng pahina. "So what? Wala akong pakialam kung sino pa ang nauna dito." aniya.

Nag fake-cough ulit ako, "Hay. Whatever. Ayaw pa kasing umamin na gusto lang talaga akong makatabi." proud kong sabi sakanya. Napansin kong tumigil ito sa ginagawa nya, nakatingin sya sa'kin. Tinaasan ko sya ng kilay, hmp! Mas mataray ako sa'yo! Pero hindi na sya sumagot pa at pinagpatuloy ulit ang ginagawa nya.

Hindi ko nalang din pinansin at gumawa nalang ng research paper.

Na-badtrip siguro.

Stanley's POV

"Hay. Whatever. Ayaw pa kasing umamin na gusto lang talaga akong makatabi."

'Pa'no kung sabihin kong, Oo, gusto kitang makatabi?' Pero syempre hindi ko sinabi yan. Alam nyo naman na wala akong lakas ng loob. Nagkataon lang na nandito din sya sa library. Umiiwas na nga ako, pinagkikita pa din kami.

Ng matapos na ako, sumulyap ako ng tingin sakanya sa huling pagkakataon. Nakatuon ang atensyon nya sa pagagawa ng research paper, masipag naman, tamad lang talagang mag-aral. Tsk! Hindi pa din ako makapaniwalang sila na ng Gaston Delos Santos na 'yon. Akala ko ba ayaw nya sa mga lalakeng katulad nya? Tapos ngayon, sila na. 'Ano bang pakialam ko?' Napailing nalang ako at umalis na.

Nagulat nalamang ako ng bigla akong sinalubong ni.... kung hindi ako nagkakamali, kaibigan 'to ni Calliope?

"Goodmorning po, Mr. Carson. I'm Shelby Andreas, from MT1-1. Gusto ko po sana kayong makausap kung okay lang?"

"Sige, tutal tapos naman na ako sa mga ginagawa ko. About saan ba ang pag-uusapan natin?"

"About Calliope...."

-------------------------------------------

VOTE | COMMENT |

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon