Chapter 13

243 9 10
                                    

Chapter 13

"Late na ba ako? Baka magalit nanaman sa'kin ang Kuya mo nito," Kinakabahan ako. Baka ipahiya nanaman ako ng Stanley na 'yon dahil late ako sa klase nya. 

"Ate, wag kang praning dyan! May sakit ka. Siguro naman, hindi makitid ang utak ng Kuya ko. Buti nga pumasok ka pa e, kaysa naman sa hindi." Napangiti nalang ako. Mukhang mas matanda pa ito kaysa kay Stanley. I wonder kung takot sya kay Thea? 

"Salamat Thea, sa pag-aalaga at talagang inayusan mo pa ako ng buhok." I chuckled. Kasalukuyan kong tinitingnan ang sarili ko sa full-size mirror. Binraid kasi ni Thea yung buhok ko. Dami nyang alam! Ni hindi ko nga magawa 'to sa sarili ko. 

Lumapit sa'kin si Thea at tumingin din sa salamin, "No problem, Ate Calli. Ang ganda ganda mo, naiinggit ako sa kagandahan na meron ka." 

Inakbayan ko sya na para bang mag-tropa kami, "At ikaw? Hindi ka ba maganda? Alam mo, kung lalake lang ako, niligawan na kita! Pareho tayong maganda!" Ayan nanaman yung ngiti nyang nakakahawa. Para kaming tanga na ngiti ng ngiti sa harap ng salamin. 

*** 

Naka-bandage pa din yung wrist ko. Sana hindi na mag-krus pa ang landas namin ng Delos Santos na 'yon! Dahil pag-nagkataon, baka mag-pakamatay nalang ako. Tatlong hakbang nalang ang natitira. Hindi ko maiwasang hindi kabahan, pinagpapawisan ako. 

Ng makarating na ako sa tapat ng room 5307, nag-dadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Mag-cutting nalang kaya ako? No, hindi pwede. Since may glass yung pinto, sumilip ako at nakita si Stanley na nag-didiscuss. 

Fudge! What to do? Ipapahiya nanaman nya ba ako? 

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob. Ng makapasok ako, as I expected, ako nanaman ang center of attraction ng lahat, sa'kin nanaman sila nakatingin. Napalunok nalang ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Napatingin ako kay Stanley, akala ko ipapahiya nanaman nya ako pero hindi, sinenyasan nya lang ako na umupo na. 

"Okay so let's continue our discussion. So as I said..." 

Nakatitig lang ako sakanya. Bakit hindi nya ako ipinahiya ngayon? Kasi may sakit ako, ganern? So dapat pala lagi akong may sakit para iwas ako sa pag-papahiya nya sa'kin. 

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon