Chapter 15

260 10 3
                                    

Chapter 15 

(Gaston Delos Santos on the right side) 

Calliope's POV

Wala akong ginawa kung hindi titigan nalamang ang kisame sa kwarto ko. Tinatamad ako pumasok. Nakaka-panghina pumasok. Sila masaya, ako hindi. Malamang, kapag pumasok ako, puro daldalan lang naman ng mga grades ang usapan nila. Tanungan ng mga results, pasa kaba o hindi. 

Anyway, hindi ko naman sila ka-close kaya okay lang. Ligtas ako. At least, si Zara lang ang nakakaalam ng sa'kin. Tss. Nakalimutan ko, may kailangan pa nga pala akong gawin. Hindi din ako pwedeng umabsent. Dahil kailangan ko syang kausapin. 

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ko at lumabas na ng kwarto ko. Nagugutom ako. Naalala ko, hindi pa nga pala ako nakakapag-grocery. Wala man lang akong stock kahit ano. Hindi din ako marunong mag-luto. Nga-nga poreber. Napa-face-palm nalang ako at dumiretso nalang ng banyo para maligo. 

*** 

"Girl! Hinay hinay lang sa pagkain! Baka mabilaukan ka nyan," saway sa'kin ni Shelby. Hindi ko sya pinansin at kumain pa din. Eh sa gutom ako e. Hindi pa ako kumakain simula kahapon. Ng dahil sa resulta na nakuha ko, I lost my appetite. 

"Hulaan ko, nagtiis ka nanaman sa gutom dahil tinatamad kang mag-grocery? Seriously, Calli? Pati banaman pag bili ng pagkain para sa sarili mo, kinatatamaran mo pa?" Well, ayan nanaman sya. She's acting nanaman like my Mom. 

I stopped eating and looked at her, "I told you, papuntahin mo si Jazz sa condo ko para pag-grocerihin sya ng mga pagkain ko." She rolled her eyes, "What the hell? Ano? Poreber asa sa iba? Walang kamay at paa ganern? Ewan ko sa'yo Calliope!" 

"Busy bee lang talaga ako girl. Kaya wag kang masyadong ano dyan. Nakakaimbyerna." I rolled my eyes too. 

"Bahala ka nga. Anyway, kamusta yung results ng grades mo?" 

"Wag mo ng alamin, baka maiyak ka lang." 

"Tss. Wala bang pagbabago? Kung ano yung nakuha mo nung prelims, gano'n din ngayon? Hayy, Calli. Lagot ka nyan sa Papa mo! Sa States nanaman ang bagsak mo. Tsk!" Pinaalala nanaman sa'kin 'yon! 

Heck! Kailangan ko na talagang kausapin si Stanley. Kahit na ayaw nya, pipilitin ko sya! Estudyante nya ako, at karapatan nyang turuan ako! At kapag tumanggi sya, hindi ako magdadalawang isip na mag-sumbong sa dean! Bwahahaha! 

Falling For My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon